DepEd Belmont Homes Elementary School

DepEd Belmont Homes Elementary School Child Friendly School �

Mabilis na Pag-alalay ng Belmont Homes ES sa Gitna ng Suspended Classes​Dahil sa suspensyon ng face-to-face classes sa N...
18/08/2026

Mabilis na Pag-alalay ng Belmont Homes ES sa Gitna ng Suspended Classes

​Dahil sa suspensyon ng face-to-face classes sa Naic ngayong Martes, Agosto 18, 2026 dulot ng masamang panahon, mabilis na pinalakas ng mga g**o ng Belmont Homes Elementary School ang pag-alalay sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang mga group chat (GC).

Ginamit ng mga mag-aaral ang mga kagamitang pagkatuto at textbook na nauna nang naipamahagi noong opening block, habang nagbahagi naman ang mga g**o ng karagdagang gabay at gawain sa kanilang mga GC ngayong araw. Sa pamamagitan nito, naging tuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga bata sa bahay habang nasusubaybayan ng kanilang mga magulang at g**o.

​Patuloy pa ring ipinaaalaala sa lahat na mag-ingat sa banta ng masamang panahon at sa mga sakit o kapahamakang dulot nito.

Belmont Homes ES, Nakakuha ng Parangal sa Ginanap na District Gawad Teodora Alonso 2026Matagumpay na idinaos ng mga kabi...
18/08/2026

Belmont Homes ES, Nakakuha ng Parangal sa Ginanap na District Gawad Teodora Alonso 2026

Matagumpay na idinaos ng mga kabilang na paaralan sa Naic II ang ginanap na District Gawad Teodora Alonso (GTA) 2026 Awarding Ceremonies noong ika-15 ng Agosto, 2026 via Google Meet sa ganap na ika-9:00 ng umaga. Ang birtwal na pagtitipon ay naglayong magbigay-parangal sa mga natatanging husay at dedikasyon ng mga g**o sa pagbuo ng mga de-kalidad at orihinal na kwento para sa pagtuturo.

Sa nasabing kaganapan, nakatanggap ng Unang Gantimpala sa kategoryang Wordless Storybook si Bb. Glaiza Mae H. Come, isang g**o mula sa Belmont Homes Elementary School. Nagpamalas ang kanyang entri ng natatanging malikhaing pagsasalaysay gamit ang mga larawan na nagpapakita ng kaugnayan sa inclusion for kindergarten at mga pamantayan ng kasalukuyang kurikulum.

Kabilang naman sa Division Qualifier ang kategorya ng Chapter Book for Young Adult para sa Chapter Book para sa Baitang 7 at 8 sina Gng. Cheery Mae A. Castro, Gng. Hannah Grace R. Hipolito, Bb. Sarah Tricia B. Nillo, sa kategorya naman ng Baitang 9 and 10 sina, Gng. Theresa A. Unalayao at Gng. Esther L. Pasco, at G. Angel R. Rio. Habang sina G. Ronelo G. Abayan at Gng. Jenine D. Bapol naman ay sa kategorya ng Chapter Book for Teen Interest. Ang kanilang tagumpay ay nagpapatunay sa mataas na antas ng kakayahan at dedikasyon ng mga g**ong Naiceño sa larangan ng literatura.

Ang mga nagwaging kalahok mula sa ginanap na awarding ceremony ang magsisilbing kinatawan ng Naic II Division Level. Bukod sa karangalang hatid sa kani-kanilang paaralan, ang mga nabuong kwento ay magiging bahagi ng opisyal na kagamitang pampagkatuto para sa mga mag-aaral.

Patuloy na magsisilbing inspirasyon ang tagumpay na ito upang higit pang pagbutihin ang kalidad ng edukasyon sa lalawigan.

Binigyang-diin sa mga alituntunin ang pagbabawal sa paggamit ng artificial intelligence (AI), upang mapanatili ang tunay na sining at talento ng mga kalahok. Dahil dito, naipakita ng mga sumali ang tunay na husay sa paglikha ng mga kwentong kapaki-pakinabang sa pag-aaral ng mga kabataan. Ipinatupad sa ginanap na kompetisyon ang mahigpit na pamantayan ng GTA 2026 upang matiyak ang pagiging orihinal at nakatotohanan ang bawat likha ng mga g**o.

Game On! BHES Teachers Sharpen Sports Officiating SkillsBy: Theresa A. UnlayaoSeveral teachers from Belmont Homes Elemen...
17/08/2026

Game On! BHES Teachers Sharpen Sports Officiating Skills

By: Theresa A. Unlayao

Several teachers from Belmont Homes Elementary School (BHES) participated in the Capacity Building for Officiating Officials on the Rules and Regulations at Different Sports Competition Levels held on August 15, 2026, at San Roque Elementary School, Naic, Cavite. They served as designated participants and officiating officials in Basketball, Volleyball, Badminton, Baseball, Table Tennis, Chess, Sepak Takraw, Athletics, and Dance Sports.

The district-wide training was spearheaded by Mr. Rolando B. Manalo, District Sports Key Administrator, and featured sport-specific sessions on rules, officiating mechanics, and proper decision-making. Dr. Ofelia B. Arvisu, Public Schools District Supervisor of Naic II District, also emphasized the importance of continuous learning, professionalism, and commitment in sports officiating.

The training featured sport-specific sessions on rules, officiating mechanics, and proper handling of critical situations, equipping participants with the knowledge and skills needed for fair, consistent, and professional officiating in district, division, and higher-level competitions.

The participation of BHES teachers reflects the school’s commitment to professional development, sportsmanship, fair play, and the holistic development of learners through sports.

WALANG PASOK, WALANG HINTO: BHES IPINAGPATULOY ANG PAGKATUTO​Ipinagpatuloy ng Belmont Homes Elementary School (BHES) ang...
17/08/2026

WALANG PASOK, WALANG HINTO: BHES IPINAGPATULOY ANG PAGKATUTO

​Ipinagpatuloy ng Belmont Homes Elementary School (BHES) ang pag-aaral ng mga bata gamit ang Alternative Mode of Delivery Learning (AMDL) ngayong Agosto 17, 2026, matapos suspindihin ng Pamahalaang Bayan ng Naic ang face-to-face classes sa pampubliko at pribadong paaralan para sa kaligtasan ng lahat.

​Upang hindi maantala ang edukasyon, agad na nagpatupad ang BHES ng mga home-based tasks tulad ng digital learning materials, modules, at reading activities. Nakipag-ugnayan din ang mga g**o sa mga magulang at mag-aaral upang maipaliwanag ang mga aralin at gawain sa pamamagitan ng messenger.

​Walang pasok sa silid-aralan, ngunit tuloy-tuloy ang pagkatuto sa BHES.

REQUEST FOR QUOTATION 2026-08-0022We are looking for eligible suppliers for the item/s listed below. Kindly send your qu...
17/08/2026

REQUEST FOR QUOTATION 2026-08-0022
We are looking for eligible suppliers for the item/s listed below. Kindly send your quotation, PhilGEPS registration certificate, BIR Form 2303, DTI and latest Mayor’s permit to [email protected].

PAGKATUTO HINDI HUMINTO: BHES, NAGPATUPAD NG HOME-BASED LEARNING SA ARAW NG SUSPENSIYON
14/08/2026

PAGKATUTO HINDI HUMINTO: BHES, NAGPATUPAD NG HOME-BASED LEARNING SA ARAW NG SUSPENSIYON

PAGKATUTO HINDI HUMINTO: BHES, NAGPATUPAD NG HOME-BASED LEARNING SA ARAW NG SUSPENSIYONAlinsunod sa direktiba ng lokal n...
14/08/2026

PAGKATUTO HINDI HUMINTO: BHES, NAGPATUPAD NG HOME-BASED LEARNING SA ARAW NG SUSPENSIYON

Alinsunod sa direktiba ng lokal na pamahalaan ng Naic, pansamantalang isinuspinde ang face-to-face classes sa lahat ng antas ngayong Agosto 14, 2026 upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at iba pang kawani.

Bilang pagsunod sa kautusan, ipinatupad ng Belmont Homes Elementary School (BHES) ang home-based learning upang maipagpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng suspensiyon ng face-to-face classes. Naghanda ang mga g**o ng mga learning activity na maaaring isagawa ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan sa pamamagitan ng modular learning.

Hinikayat ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa tahanan habang pinapaalalahanan ang lahat na unahin ang kaligtasan at sundin ang mga abiso at paalala ng mga kinauukulan.

Patuloy namang magbibigay ang BHES ng mga kaukulang anunsiyo hinggil sa iskedyul ng pagbabalik ng face-to-face classes, batay sa lagay ng panahon at mga opisyal na abiso mula sa lokal na pamahalaan.

BHES Strengthens Health Advocacy Through Diabetes AwarenessThe Department of Education (DepEd), through the Schools Divi...
14/08/2026

BHES Strengthens Health Advocacy Through Diabetes Awareness

The Department of Education (DepEd), through the Schools Division Office (SDO) of Cavite Province, launched the initiative titled “School Infomercial: Building Diabetes Awareness Through Health Education and Re-Orientation of School Health Programs for SY 2026–2027.” Pursuant to DepEd Order No. 28, s. 2018, under the Oplan Kalusugan sa DepEd framework, the initiative aims to promote a safe and healthy learning environment. The SGOD-Medical Unit spearheaded the activity to provide accurate information about Diabetes Mellitus and strengthen health consciousness in schools.

On August 11, 2026, teachers of Belmont Homes Elementary School (BHES), along with educators from across the division, viewed the health infomercial as part of the campaign. The activity highlighted the importance of understanding diabetes prevention, management, and appropriate responses to health emergencies to ensure proper support for learners, teachers, and non-teaching personnel.

The division-wide virtual orientation also provided school heads and school clinic focal persons with updated information on health policies, programs, and guidelines related to diabetes care and prevention.

Through the initiative, DepEd seeks to encourage healthier lifestyle choices, promote greater engagement with healthcare services, and foster positive behavioral changes within the school community. Strengthening health awareness in schools contributes to the well-being of learners and personnel while helping build healthier communities.

Kaagapay sa Pagkatuto: ARAL Parents’ Orientation Isinagawa sa Belmont Homes ESIsinagawa sa Belmont Homes Elementary Scho...
14/08/2026

Kaagapay sa Pagkatuto: ARAL Parents’ Orientation Isinagawa sa Belmont Homes ES

Isinagawa sa Belmont Homes Elementary School ang ARAL Parents’ Orientation para sa mga mag-aaral na kabilang sa ARAL Reading (Filipino and English) at Mathematics.

Layunin nitong mabigyan ang mga magulang at tagapag-alaga ng malinaw na impormasyon hinggil sa pagpapatupad ng ARAL Program, kabilang ang mga layunin, iskedyul, gawain, at inaasahang pakikilahok ng mga mag-aaral.

Tinalakay rin ang mahalagang papel ng pamilya sa pagpapaunlad ng literacy at numeracy ng mga bata. Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng paaralan, mga g**o, at magulang upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at masuportahan ang kanilang patuloy na pag-unlad.

Sa isinagawang pagtitipon, nabigyan ang mga magulang ng pagkakataong higit na maunawaan ang kanilang responsibilidad sa pagsuporta sa pagkatuto ng kanilang mga anak. Naging daan din ito upang mapalakas ang komunikasyon at koordinasyon sa pagitan ng mga magulang at g**o.

Patuloy namang isinusulong ng Belmont Homes Elementary School ang mga hakbangin na naglalayong magbigay ng karagdagang suporta at oportunidad sa pag-unlad ng mga mag-aaral sa ilalim ng ARAL Program.

Municipality of Naic Suspends Face to Face Classes; Belmont Homes Elementary School Shifts to Distance LearningBelmont H...
13/08/2026

Municipality of Naic Suspends Face to Face Classes; Belmont Homes Elementary School Shifts to Distance Learning

Belmont Homes Elementary School (BHES) shifted to distance learning on Thursday, August 13, 2026, following an advisory from the Municipality of Naic suspending face-to-face classes due to persistent bad weather.

In response, the school implemented modular distance learning to prioritize students’ safety while ensuring the continuity of education. Teachers distributed self-learning modules, monitored students’ progress, addressed queries, and tracked submissions.

Students were also encouraged to use their time at home productively by reading, helping with household chores, and engaging in self-directed learning during the class suspension.

Address

Belmont Homes, Halang, Naic
Cavite
4110

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Telephone

+639169613687

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Belmont Homes Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Belmont Homes Elementary School:

Shortcuts

Share

Category