DepEd Tayo Julian R. Felipe ES - Cavite City

DepEd Tayo Julian R. Felipe ES - Cavite City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo Julian R. Felipe ES - Cavite City, Elementary School, M. Gregorio Street San Antonio, Cavite.

15/07/2026
14/07/2026
10/07/2026
09/07/2026

sa Cavite City!

Pwede na kayo matulog ng mahimbing dahil suspendido na ang klase ngayong July 10, 2026 (Friday), sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Cavite City. Ayon sa 11PM weather forecast ng PAGASA nasa yellow warning na sa Lungsod ng Cavite dahil sa pinalakas na Habagat dala ng Super Typhoon Inday.

Hindi na natin hihintayin pang mahirapan ang ating mga mag aaral, magulang at mga g**o dahil sa masamang panahon.

Mag ingat po tayong lahat. 🙏🏻

LOOK: Julian Felipe Elementary School (JFES), headed by Dr. Anna Marie T. Orquijo, warmly welcomed the newly appointed P...
09/07/2026

LOOK: Julian Felipe Elementary School (JFES), headed by Dr. Anna Marie T. Orquijo, warmly welcomed the newly appointed PNP Chief of Police during a courtesy visit to the school.
​This visit highlights the strengthening of partnerships between our local law enforcement and the school community to ensure a safe, secure, and peaceful learning environment for all Julianians.
​Thank you, Sir, for your dedication to protecting our community and supporting our school! 👮‍♂️🏫✨

06/07/2026

Sa pangunguna ng PNP Sangley Point at ng ating Punong G**o, Dr. Ana Marie T. Orquijo, aktibong nakibahagi ang mga g**o at mag-aaral ng Julian Felipe Elementary School sa isinagawang Simultaneous Flag Raising Ceremony na inorganisa ng National Task Force for the West Philippine Sea ngayong Hulyo 6, 2026.

Nagsimula ang programa sa pag-awit ng Lupang Hinirang, sinundan ng panalangin, Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas, at ehersisyo. Nagkaroon din ng panonood ng video presentation at makabuluhang talakayan tungkol sa West Philippine Sea, na nagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan nito sa ating bansa. Panoorin natin ang mga kaganapan sa videong ito. 🎥




🇵🇭✨ Nagkakaisang Puso, Nagkakaisang Bayan! ✨🇵🇭Ngayong Hulyo 6, 2026, buong pagmamalaking nakiisa ang Julian Felipe Eleme...
06/07/2026

🇵🇭✨ Nagkakaisang Puso, Nagkakaisang Bayan! ✨🇵🇭

Ngayong Hulyo 6, 2026, buong pagmamalaking nakiisa ang Julian Felipe Elementary School sa Simultaneous Flag Raising Ceremony na inorganisa ng National Task Force for the West Philippine Sea bilang paggunita sa kahalagahan ng 2016 Arbitral Award at bilang pagpapatibay sa ating pagmamahal sa bayan, paggalang sa batas, at pagtatanggol sa soberanya, mga karapatan, at lawful maritime entitlements ng ating bansa.

Sa pangunguna ng ating mga kapulisan mula sa PNP Sangley Point, katuwang ang ating butihing Punong G**o, Dr. Ana Marie T. Orquijo, kasama ang masisipag na mga g**o at masisigasig na mga mag-aaral, ipinakita natin ang tunay na diwa ng pagkakaisa, disiplina, at pagkamakabayan.

Patuloy nating hubugin ang mga kabataang may pagmamahal sa bayan at malasakit sa kinabukasan ng ating bansa. Sama-sama nating ipagmalaki ang pagiging Pilipino at panatilihing buhay ang diwa ng pagkakaisa at pananagutan.

💙❤️💛 Isang watawat. Isang bayan. Isang layunin. Para sa Pilipinas! 🇵🇭




Address

M. Gregorio Street San Antonio
Cavite

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Julian R. Felipe ES - Cavite City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo Julian R. Felipe ES - Cavite City:

Shortcuts

Share