Cavinti INHS DRRM Club

Cavinti INHS DRRM Club Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cavinti INHS DRRM Club, School, Sisilmin Cavinti Laguna, Cavinti.

12/10/2025
11/10/2025

Please support, Sir. Jerome Tejero para sa isang natatanging kompetisyon.

PLEASE REACT, COMMENT & SHARE! ❤️‼️😍

Goodluck Sir!

Nakibahagi ang Cavinti INHS DRRM Club sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa pangunguna ng Filipino Club noong Agosto 29, 20...
29/08/2025

Nakibahagi ang Cavinti INHS DRRM Club sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa pangunguna ng Filipino Club noong Agosto 29, 2025 sa Cong. Benjie Agarao Covered Court, Brgy. Duhat, Cavinti, Laguna.

Bilang tugon sa ating adbokasiya para sa kaligtasan at malasakit, ang aming grupo ay naglagay ng First Aid Station para sa anumang emergency at nagbigay ng libreng tubig para sa mga estudyanteng mauuhaw.

Sa bawat selebrasyon, lagi naming dala ang aming misyon: Handa. Ligtas. Listo.

The Cavinti INHS DRRM Club is proud to have actively participated in the Youth Week Leadership Seminar spearheaded by th...
28/08/2025

The Cavinti INHS DRRM Club is proud to have actively participated in the Youth Week Leadership Seminar spearheaded by the Supreme Secondary Learners Government (SSLG) on August 27, 2025 at Cong. Benjie Agarao Covered Court, Brgy. Duhat, Cavinti, Laguna.

We are grateful to our inspiring resource speaker, Hon. Limrom O. Sanchez, for sharing valuable insights that will guide us in becoming responsible and proactive youth leaders.

Truly, this event reminded us that the strength of the youth lies in leadership, unity, and readiness to face challenges.

A Warm Welcome to Our New School Principal! 🤍Isang makulay at mainit na pagtanggap ang ipinagkaloob ng Cavinti Integrate...
20/08/2025

A Warm Welcome to Our New School Principal! 🤍

Isang makulay at mainit na pagtanggap ang ipinagkaloob ng Cavinti Integrated National High School sa pagdating ng ating bagong punong-g**o, Dr. Ma. Cecilia G. Adefuin, Principal I.

Sa pamamagitan ng isang simpleng programa na puno ng sigla at pagpapahalaga, ipinakita ng mga g**o, kawani, at mag-aaral ang kanilang suporta at kagalakan sa bagong kabanata ng pamumuno sa paaralan. Sa kanyang pamumuno, inaasahan ang higit pang pag-usbong ng kalidad ng edukasyon at paghubog sa mga kabataang Cavintinian na may disiplina, galing, at malasakit sa bayan.
Bitbit ni Dr. Adefuin ang kanyang karanasan, malasakit, at dedikasyon upang lalo pang patatagin ang kultura ng kahusayan sa Cavinti Integrated National High School.

Mensahe ng Paaralan
"We soar for Excellence, We soar with Pride."
📌 Mga Layunin sa Bagong Pamunuan:
✔️ Palakasin ang ugnayan ng g**o, magulang, at komunidad.
✔️ Itaguyod ang disiplina at kagalingan ng mga mag-aaral.
✔️ Paigtingin ang mga programa at proyektong pang-akademiko at pang-komunidad.
✨ Muli, isang malugod na pagtanggap kay Dr. Ma. Cecilia G. Adefuin — ang ating bagong ilaw at gabay tungo sa mas maliwanag na hinaharap para sa Cavinti Integrated National High School!

Cavinti Integrated National High School, Kampeon sa Infomercial Inter-School Competition 2025 👏🎬🇵🇭Cavinti, Laguna — Isan...
19/08/2025

Cavinti Integrated National High School, Kampeon sa Infomercial Inter-School Competition 2025 👏🎬🇵🇭

Cavinti, Laguna — Isang karangalan na naman ang naibigay ng Cavinti Integrated National High School (CINHS) matapos masungkit ang Kampeonato sa ginanap na Infomercial Inter-School Competition 2025 noong Agosto 19, 2025 sa Cavinti Town Plaza.

Ang kanilang likhang “Listong Pamilya Guide” ang itinanghal na nanguna sa patimpalak na kaugnay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, na may temang “Kumikilos, Kayang Umaksyon ng Mamamayan na Isabuhay ang Kahandaan ng bawat Isa para maging Ligtas sa Oras ng Sakuna.”

Sa pangunguna ng Gurong Tagapayo, G. Jerome B. Tejero, at sa paggabay ng DRRM Coordinator, Bb. Zharmela Ladub, matagumpay na nailahad ng mga kalahok mula sa Baitang Sampu ang kanilang malikhaing presentasyon na nagbigay-diin sa kahalagahan ng kahandaan at pagtutulungan ng bawat pamilya sa panahon ng sakuna.

Lubos namang ipinahayag ni Dr. Erickson C. Barrios,
School Head ng CINHS, ang kanyang pasasalamat sa lahat ng bumuo ng proyekto. Aniya, “Ang parangal na ito ay hindi lamang bunga ng talino at galing kundi patunay ng sama-samang pagsisikap ng ating mga g**o at mag-aaral.”

Maraming Salamat po Sanggunian Bayan ng Cavinti!

Ang panalong ito ay hindi lamang nakapagbigay ng karangalan sa paaralan kundi nagsilbi ring inspirasyon sa buong komunidad ng Cavinti na patuloy na isulong ang kahandaan, pagkakaisa, at malasakit tungo sa mas ligtas na kinabukasan.

14/08/2025

PLEASE LIKE AND SHARE! Para sa Cavinti Integrated National High School

Goodluck! ❤️🫶🏻

14/08/2025

CAVINTI INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Duhat, Cavinti, Laguna 🎬🎞️🎥🇵🇭

INFOMERCIAL COMPETITION 2025 “LISTONG PAMILYA GUIDE”

Bawat pamilya, may plano dapat!
Tara, gawin nating ligtas ang bawat tahanan gamit ang Listong Pamilyang Pilipino Guide!

May emergency balde ka na ba?

May Family H.O.U.R. plan na ba kayo?

Kung wala pa, ngayon ang tamang panahon.


Address

Sisilmin Cavinti Laguna
Cavinti
4013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cavinti INHS DRRM Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category