Cavinti Environment & Disaster Committee

Cavinti Environment & Disaster Committee Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cavinti Environment & Disaster Committee, High School, Cavinti.

10/06/2026
07/04/2026

Tipid kuryente, tipid gastos, tulong pa sa kalikasan! 🌱⚡️

Patuloy ang aming paalala para sa mas responsable at matalinong paggamit ng kuryente. Narito ang ilang Kuryentipid Habits na madaling gawin sa bahay—simple na, makakatulong pa!💡

Small habits, big impact! Tulong-tulong at sabay-sabay po tayong magtipid ng kuryente, MCOs!

08/01/2026

🌱♻️ **TRASH TO TREES: GREEN EXCHANGE PROGRAM** ♻️🌱
*Turn Trash into Trees*

Ikinagagalak ng Pamahalaang Bayan na ipatupad ang **Trash to Trees – Green Exchange Program**, isang **Plastic-to-Seedling Exchange Program **, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ating pamahalaan sa tamang pangangasiwa ng basura at pangangalaga sa kalikasan.

📍 **Lugar ng Implementasyon:** *Ugnayan sa Barangay*

Sa programang ito, hinihikayat ang mga residente na **maghiwalay at magdala ng malilinis na plastik na basura** sa mga itatalagang collection points tuwing Ugnayan sa Barangay. Kapalit nito, ang mga kalahok ay **makakakuha ng puntos** sa ilalim ng *Trash to Treasure* system na maaaring **ipagpalit sa libreng mga pananim**.

🌿 **Paano makilahok:**
✔️ Ihiwalay ang plastik na basura
✔️ Ipalit ito at kumita ng puntos
✔️ I-redeem ang puntos para sa mga punla
✔️ Itanim at makibahagi sa mas luntiang komunidad

📣 Sama-sama nating gawing mahalaga ang basura at palaguin ang kalikasan.

**“Ihiwalay. Ipalit. Itanim.”**

Makilahok at maging bahagi ng isang malinis, luntian, at sustenableng CAVINTI! 🌎💚





06/01/2026

Simulan natin ang bagong taon nang may mas malalim na pananagutan sa ating kapaligiran at komunidad. Ngayong Enero, nakikiisa ang Mayors for Good Governance (M4GG) sa paggunita sa Zero Waste Month.

Ang tunay at mahusay na pamamahala ay nasusukat din sa ating kakayahang pangalagaan ang ating likas na yaman para sa susunod na henerasyon. Bilang mga lingkod-bayan, tungkulin nating itaguyod ang mga polisiya na naglalayong bawasan ang paggamit ng plastik at pagtibayin ang wastong sistema ng pagbubukod ng basura.

Ang disiplina sa ating mga tahanan at ang masigasig na implementasyon ng mga environmental policies ay mga pundasyon ng isang progresibong bayan. Ang Zero Waste ay hindi lamang isang adhikain—ito ay isang panawagan para sa mas malinis, mas ligtas, at mas maayos na pamumuhay para sa bawat Pilipino.


26/12/2025
12/12/2025

Address

Cavinti

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cavinti Environment & Disaster Committee posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category