Ang Girawa

Ang Girawa ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG WEST TABACAL REGION NATIONAL HIGH SCHOOL

“All Together, Let’s Make a Difference”: Corpuz, hinikayat ang mga magulang na makiisa sa paaralanWest Tabacal Region NH...
18/09/2026

“All Together, Let’s Make a Difference”: Corpuz, hinikayat ang mga magulang na makiisa sa paaralan

West Tabacal Region NHS— Hinikayat ni Ginang Vilma C. Corpuz Punong g**o ng WTNHS ang mga magulang na makiisa sa mga programa at gawain ng paaralan sa unang School Parents-Teachers Association (SPTA) General Assembly at Homeroom Meeting noong Setyembre 18, 2026 sa WTRNHS Gymnasium.

“All Together, Let’s Make a Difference,” ani Corpuz bilang panawagan sa mga magulang at g**o na pagtibayin ang ugnayan ng tahanan at paaralan.
Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang polisiya, programa, at plano ng paaralan na naglalayong suportahan ang kapakanan at pag-unlad ng mga mag-aaral.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng ugnayan at pagtutulungan ng mga magulang, g**o, paaralan, at komunidad sa pagbibigay ng suporta sa edukasyon ng mga mag-aaral.

Matapos ang pangkalahatang pagpupulong, nakipag-ugnayan ang mga magulang sa mga g**o ng kanilang mga anak upang talakayin ang kanilang pag-aaral at iba pang usaping may kaugnayan sa mga programa ng paaralan.

Samantala, muling hinikayat ni Ginang Corpuz ang mga magulang na maging aktibong katuwang ng paaralan sa mga susunod na gawain at programa para sa kapakanan ng mga mag-aaral.


26/08/2026
📢 SCHOOL-BASED PRESS CONFERENCE 2026🗓️ July 21, 2026 (Tuesday)🕓 4:00 PM📍 SHS Building – 1st FloorCalling all aspiring ca...
20/07/2026

📢 SCHOOL-BASED PRESS CONFERENCE 2026

🗓️ July 21, 2026 (Tuesday)
🕓 4:00 PM
📍 SHS Building – 1st Floor

Calling all aspiring campus journalists!

Join us as we showcase your talent, creativity, and passion in journalism through the School-Based Press Conference 2026

**📰 Mga Kategorya / Events:
🖋️ News Writing
📝 Editorial Writing
🎨 Editorial Cartooning
📖 Feature Writing
📰 Column Writing
🔬 Science and Technology Writing
🏅 Sports Writing
📸 Photojournalism
✍️ Headline Writing and Copy Reading

This activity aims to select and prepare the school's official delegates for Division School Press Conferences while strengthening your journalistic skills and commitment to truthful and responsible reporting.

See you tomorrow!
"Write with purpose. Speak with truth. Lead through journalism."

First Flag Ceremony | S.Y. 2026–2027 | West Tabacal Region National High School.  Ang unang Flag Ceremony ay nagsilbing ...
08/06/2026

First Flag Ceremony | S.Y. 2026–2027 | West Tabacal Region National High School.
Ang unang Flag Ceremony ay nagsilbing paalala na ang tagumpay o SUCCESS ay hindi lamang bunga ng talento, kundi ng sipag, tiyaga, at sama-samang pagkilos.

Stay focused
Unite with purpose
Choose excellence
Create opportunities
Empower one another
Strive for growth
Succeed together

Maligayang pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027! Nawa’y maging simula ito ng mas marami pang tagumpay para sa bawat mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan. 💙📚✨

Nagkakaisang Kamay sa matatag na paaralan. Sa unang araw ng Brigada Eskwela 2026 muling nabuhay ang diwa ng bayanihan.Na...
01/06/2026

Nagkakaisang Kamay sa matatag na paaralan.

Sa unang araw ng Brigada Eskwela 2026 muling nabuhay ang diwa ng bayanihan.

Nagkaisa ang mga g**o, magulang, mag-aaral, at mga stakeholder sa iisang layunin—ang ihanda ang paaralan bilang tahanan ng kaalaman at pangarap sa pamumuno ni Ginoong Florentino R. Rugnao-Head Teacher III.

Sa bawat walis, punas, at pagkukumpuni, naipamalas ang malasakit at pagtutulungan na nagsisilbing matibay na pundasyon ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa West Tabacal Region National High School. Tunay na sa pagkakaisa, mas napapadali ang pag-abot sa tagumpay.


Buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng West Tabacal Region National High School ang tagumpay ng mga mag-aaral nito sa Reg...
01/02/2026

Buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng West Tabacal Region National High School ang tagumpay ng mga mag-aaral nito sa Regional Schools Press Conference (RSPC) 2026. Nagkamit ng Ikatlong Gantimpala si Daniella Marie Labog, Grade 10, sa Editorial Writing – Secondary Category (Filipino) sa ilalim ng paggabay ni Coach Enicia Eco. Samantala, naging RSPC Qualifier naman si Jillian Gumiran, Grade 7, sa News Writing – Secondary Category (English) sa patnubay ni Coach Edlyn Alcantara.
Ang tagumpay na ito ay isinakatuparan sa patuloy na suporta ng punongg**o ng paaralan na si Florentino R. Rugnao, Head Teacher III, na aktibong nagsusulong ng kahusayan sa akademiko at campus journalism.

Daniella Marie Labog, Nagwagi sa DSPC; Kwalipikado sa RSPC!Tagumpay ang muling tinamo ng West Tabacal Region National Hi...
26/10/2025

Daniella Marie Labog, Nagwagi sa DSPC; Kwalipikado sa RSPC!
Tagumpay ang muling tinamo ng West Tabacal Region National High School matapos masungkit ni Daniella Marie Labog ang ikatlong puwesto (3rd Place) sa Division Schools Press Conference (DSPC) at maging kwalipikado sa Regional Schools Press Conference (RSPC).
Si Daniella, na dating lumalahok sa Feature Writing, ay sumubok sa Editorial Writing ngayong taon—at matagumpay na napatunayan ang kanyang husay sa larangan ng pamamahayag.
Lubos ang pagmamalaki ng buong WTRNHS sa kanyang tagumpay na nagsisilbing inspirasyon sa mga kapwa kabataan na ipagpatuloy ang pagsusulat at paghahatid ng makabuluhang balita.
“Isang patunay na ang tapang na sumubok ng bago ay nagbubunga ng tagumpay,” Coach Eco
— “Ang Girawa”

West Tabacal Region National High School, Nakikiisa sa Buwan ng Wika 2025West Tabacal, Agosto 2025 — Nakikiisa ang West ...
17/08/2025

West Tabacal Region National High School, Nakikiisa sa Buwan ng Wika 2025

West Tabacal, Agosto 2025 — Nakikiisa ang West Tabacal Region National High School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”

Layunin ng pagdiriwang na bigyang-diin ang kahalagahan ng Wikang Filipino at mga katutubong wika bilang haligi ng ating kasaysayan, kultura, at pagkakaisa bilang isang bansa.

Filipino para sa Pilipino 🇵🇭Ang wikang Filipino ay hindi lamang gamit, mga salita o bokabularyo sa pakikipagtalastasan b...
14/08/2025

Filipino para sa Pilipino 🇵🇭

Ang wikang Filipino ay hindi lamang gamit, mga salita o bokabularyo sa pakikipagtalastasan bagkus ito ang kaluluwa at tuntungang bato ng identidad at kasaysayan ng bawat Filipino.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng buwan ng wika na may temang: Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa ang mataas na paaralan ng West Tabacal Region ay naglunsad ng Seminar-Palihan sa Ortograpiyang Pambansa sa ika-7 at ika-8 baitang ngayong ika-14 ng Agosto.

Sa pangunguna ng mga g**o sa wikang Filipino na sina Bb. Marielle G. Tomas at Gng. Enicia F. Eco, ipinamalas nila ang kanilang kaalaman sa mga mag-aaral upang magkaroon ng kaalaman at makiliti ang kuryosidad ng bawat mag-aaral. Sa
pamamagitan ng pagtuturo sa balarilang Filipino gamit ang Ortograpiyang Pambansa.

Layuning maipalaganap at maipatamo sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng patuloy na pagsasabuhay ng ating wikang Filipino. Hindi lamang sa isip kung hindi maging sa gawa.

Agbiag iti Pilipino, Agbiag iti sarita nga Filipino! 🇵🇭❤️

📜 Balik-Tanaw, Balik-Laro! 🏃‍♀️🏃‍♂️Muling buhayin ang kasiyahan at samahan sa pamamagitan ng larong lahi—patunay na ang ...
08/08/2025

📜 Balik-Tanaw, Balik-Laro! 🏃‍♀️🏃‍♂️
Muling buhayin ang kasiyahan at samahan sa pamamagitan ng larong lahi—patunay na ang ating kultura ay buhay at mas makulay kapag sama-samang pinahahalagahan. 🇵🇭✨

Address

Culalabat Cauayan City
Cauayan
3305

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Girawa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category