18/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ข๐๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ซ๐ข๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ
Bilang tugon sa mga kamakailang insidente ng karahasan sa ilang paaralan, hinihikayat ang buong pamayanan ng pamantasan na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa pagpapatupad ng mga karagdagang hakbang pangseguridad sa kampus.
Simula Agosto 18, 2026, ipatutupad ang mga sumusunod:
โข Inspeksiyon ng mga bag, personal na gamit, at sasakyang pumapasok sa kampus
โข Pagsusuot at maayos na pagpapakita ng wastong Identification Card (ID)
โข Mahigpit na pagbabawal sa pagdadala ng baril, armas, o anumang bagay na maaaring magdulot ng panganib
โข Agarang pag-uulat sa security personnel ng anumang kahina-hinalang tao, bagay, o sitwasyon
Ang kaligtasan ng bawat isa ay sama-samang pananagutan. Hinihiling ang inyong pang-unawa, pakikipagtulungan, at patuloy na pagiging mapagmatyag upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang kampus.
Kaligtasan at seguridad, sama-samang pananagutan.
---
| | | | | | | | |
Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph
17/08/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐| ๐๐๐-๐๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง ๐๐๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก; ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐จ๐ญ๐๐ง ๐๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐
Nagkaisa ang mga kawani ng Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa pagsusuot ng ASEAN-inspired attire sa isinagawang flag ceremony bilang pakikiisa sa paggunita ng ASEAN Month 2026, Agosto 17.
Bilang bahagi ng pakikiisa ng pamantasan sa paggunita sa ika-59 na anibersaryo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), tumalima ang ISU-Cauayan sa panawagan ng Commission on Higher Education (CHED) Central Office na hikayatin ang mga stakeholder ng higher education sector na makiisa sa mga gawaing nagtatampok sa ASEAN at nagpapalawak ng kamalayan sa kahalagahan nito.
Hindi lamang naging pagpapakita ng suporta ang pagsusuot ng ASEAN attire, kundi nagsilbi rin itong paraan upang mailarawan ang diwa ng pagkakaisa at pakikiisa ng komunidad ng pamantasan sa paggunita sa ASEAN Month.
Bilang tampok na bahagi ng aktibidad, kinilala rin ang mga kawani na nagpakita ng natatanging kasuotang hango sa kultura ng ASEAN. Iginawad kay Gng. Marilyn Subido, Tagapamahala ng Aklatan ng Kampus, ang pagkilala bilang Pinakamahusay na Kasuotang ASEAN โ Kategoryang Babae, habang itinanghal namang Pinakamahusay na Kasuotang ASEAN โ Kategoryang Lalaki si G. Alfredo G. Mateo Jr., g**o sa Kolehiyo ng Edukasyon.
Ang paggunita sa ASEAN Month ay alinsunod sa Proclamation No. 282 na nag-amyenda sa Proclamation No. 1008 at nagtatakda sa Agosto bilang ASEAN Month, bilang pagkilala sa pagkakatatag ng ASEAN noong Agosto 8, 1967.
Sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga ganitong gawain, patuloy na ipinakikita ng ISU-Cauayan ang suporta nito sa mga inisyatiba na nagtataguyod ng kamalayan, pagkakaisa, at ugnayan sa loob ng ASEAN community.
---
| | | | | | | | |
Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph
15/08/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐| ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง, ๐๐ฌ๐ฌ๐ญ. ๐๐ซ๐จ๐. ๐๐๐ซ๐ค-๐๐ก๐จ๐ง ๐. ๐๐ซ๐๐ฌ๐ญ๐จ๐ณ๐, ๐๐ก๐, ๐๐ง๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐๐๐ญ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ซ ๐๐๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐!
Sa patuloy ninyong pamumuno sa Sentro ng Wika at Kultura ng Pamantasang Pampamahalaan ng Isabela, hindi lamang ninyo itinataguyod ang paggamit ng wika, kundi pinananatili rin ninyong buhay ang mga kuwentong, kulturang, at pagkakakilanlang nagbibigay-kahulugan sa ating pagiging Isabeleรฑo at Pilipino.
Sa bawat programa, talakayan, at inisyatibang inyong pinangungunahan, naipapaalala ninyo na ang wika ay higit pa sa kasangkapan ng komunikasyon. Ito ay sisidlan ng alaala, tagapagdala ng kultura, at tulay na nag-uugnay sa pamantasan at sa komunidad.
Nawaโy patuloy kayong pagkalooban ng lakas, inspirasyon, at mga bagong pagkakataon upang higit pang mapalawak ang puwang ng wika at kultura sa buong ISU System.
Hangad namin na ang panibagong taon ng inyong buhay ay mapuno ng mga bagong kuwentong mabubuo, mga wikang higit pang mapagyayaman, at mga kulturang patuloy ninyong mapangangalagaan.
---
| | | | | | | | |
Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph
15/08/2026
๐๐๐-๐๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ข๐ง๐๐ข๐ข๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐ ๐๐๐๐
Nakikiisa ang Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2026, na isinasagawa mula Agosto 1 hanggang 31 alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.
Pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pambansang pagdiriwang ngayong taon na may temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Itinatampok ng tema ang mahalagang papel ng wikang Filipino sa pananaliksik, edukasyon, pagkatuto, at paglikha ng kaalaman sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence (AI). Binibigyang-diin din nito ang Filipino bilang tulay sa mas madaling pagkuha at pag-unawa sa makabuluhan at mapagkakatiwalaang impormasyon sa kontekstong Pilipino.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang, sinimulan na ng ISU-Cauayan ang ilang mga programa at inisyatibang naglalayong itaguyod ang pagpapahalaga, paggamit, at pagpapaunlad ng wikang Filipino at iba pang mga wika sa bansa.
Hindi rito nagtatapos ang pakikiisa ng pamantasan. Abangan ang mga susunod pang programa, gawain, at hakbang ng ISU-Cauayan sa buong buwan ng Agosto bilang patuloy na ambag sa pagsusulong ng wika, kultura, at kaalamang Pilipino.
---
| | | | | | | | |
Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph
15/08/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐| ๐๐๐-๐๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง ๐๐๐ญ๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐ก ๐๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐๐ง๐๐จ๐ฎ๐ฌ ๐๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐๐จ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ
Nakiisa ang Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa 10th RESCOM PA-Wide Simultaneous Blood Donation Activity na isinagawa sa Campus Gymnasium, Agosto 15.
Isinagawa ang aktibidad ng 202nd (Isabela) Community Defense Center, 2nd Regional Community Defense Group, Reserve Command, Philippine Army (RESCOM PA), katuwang ang 202nd Ready Reserve Infantry Battalion, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 43rd RCPA Founding Anniversary.
Lumahok sa blood donation activity ang mga organic personnel, reservists, dependents, ROTC cadets, at iba pang stakeholders, na sama-samang naglaan ng oras at suporta para sa isang gawaing nakatuon sa pagtugon sa pangangailangan sa dugo.
Bilang katuwang ng RESCOM PA, sinuportahan ng ISU-Cauayan ang aktibidad sa pamamagitan ng paglalaan ng campus gymnaisum at mga kinakailangang pasilidad para sa maayos na pagsasagawa ng blood donation drive.
Sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga ganitong inisyatiba, patuloy na isinasabuhay ng ISU-Cauayan ang diwa ng pakikilahok at paglilingkod sa komunidad, habang hinihikayat ang mga miyembro ng pamantasan at mga katuwang nito na makibahagi sa mga gawaing nakatutulong at nakapagliligtas ng buhay.
---
| | | | | | | | |
Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph
15/08/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐| ๐๐๐-๐๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง, ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง ๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ
Magtutulungan ang Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus at Department of Migrant Workers (DMW) upang mailapit sa mga magsisipagtapos ang mga oportunidad at serbisyong makatutulong sa kanilang paghahanda para sa paghahanap ng trabaho sa loob at labas ng bansa, Agosto 13.
Kaugnay nito, dumalaw sa pamantasan sina Dr. Laila Ruth Taguinod at Atty. Jozele Mariz Dalupang-Taguba mula sa DMW at nakipagpulong kay Prof. Marisol S. Foronda, Cluster Executive Officer ng ISU Cauayan, bilang bahagi ng paghahanda para sa isasagawang aktibidad sa ika-10 ng Setyembre.
Kabilang sa mga serbisyong ihahatid ang pagkakataong makapagtrabaho sa loob at labas ng bansa, gabay sa on-site application, tulong sa DMW e-Registration, Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS), at Anti-Illegal Recruitment Orientation.
Magkakaroon din ng libreng serbisyo at konsultasyon mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan upang mabigyan ang mga magsisipagtapos ng impormasyon hinggil sa kanilang mga susunod na hakbang sa paghahanap ng trabaho.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ISU-Cauayan at DMW, layunin ng aktibidad na mailapit sa mga magsisipagtapos ang mga lehitimong pagkakataon sa pagtatrabaho at mahahalagang serbisyo ng pamahalaan bilang paghahanda sa kanilang mga napiling propesyon.
---
| | | | | | | | |
Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph
13/08/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐โฎInaanyayahan ng Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus ang mga interesado at kwalipikadong indibidwal na magsumite ng aplikasyon para sa mga sumusunod na larangan:
๐๐ฌ๐๐ง๐ (๐) Aircraft Maintenance Technology
๐๐ฌ๐๐ง๐ (๐) Mechanical Engineering/Mechatronics
๐๐ฌ๐๐ง๐ (๐) Electrical Engineering/Electronics
๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ (๐) Computer Science/Engineering
๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ (๐) Entertainment and Multimedia Computing
๐๐ฌ๐๐ง๐ (๐) Criminology
๐๐ฌ๐๐ง๐ (๐) Elementary Education
๐๐ฌ๐๐ง๐ (๐) Science
๐๐ฌ๐๐ง๐ (๐) Entrepreneurship
๐๐ฌ๐๐ง๐ (๐) Tourism Management
๐๐ฌ๐๐ง๐ (๐) Hospitality Management
๐๐ฌ๐๐ง๐ (๐) Crop Science
๐๐ซ๐ข ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ฅ๐๐ ๐: Permanente
๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐ฉ๐ฅ๐ข๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: Ika-21 ng Agosto 2026
๐๐ ๐ ๐๐ฐ๐๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง:
๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: Masterโs Degree sa larangan ng espesyalisasyon o kaugnay na disiplina
๐๐๐ซ๐๐ง๐๐ฌ๐๐ง: Mas mainam kung may karanasan sa pagtuturo sa kolehiyo.
๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฎ๐ง๐ฅ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ๐๐ง: Hindi kinakailangan
๐๐ฐ๐๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: RA 1080 para sa mga posisyong nangangailangan ng Bar o Board Eligibility
Ang mga aplikante ay pinapayuhang personal na isumite ang mga sumusunod na dokumento sa Office of the Campus HRMO, Administration Building, Isabela State UniversityโCauayan Campus, San Fermin, Cauayan City, Isabela:
1. Liham ng aplikasyon na naka-address kay:
PROF. BOYET L. BATANG, PhD
University President
Isabela State University
Echague, Isabela
Sa pamamagitan ni:
PROF. MARISOL S. FORONDA, PhD
Cluster Executive Officer
Isabela State UniversityโCauayan Campus
Cauayan City, Isabela
2. Kumpletong Personal Data Sheet (PDS) na may kalakip na kasalukuyang passport-sized na larawan (CS Form No. 212, Revised 2025), na maaaring i-download mula sa Civil Service Commission.
2. Photocopy ng Official Transcript of Records (OTR)
3. Photocopy ng Certificate of Eligibility o Professional License
Certificate of Employment o Service Record, kung dati nang nagkaroon ng trabaho
4. Mga sertipiko ng mga pagsasanay, seminar, at workshop na dinaluhan
5. Iba pang kaugnay na dokumento
๐๐๐๐ก๐๐ก๐: ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐จ๐๐จ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ข ๐จ๐ ๐ฅ๐ง๐ค๐จ๐๐จ๐ค ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐จ๐ช๐จ๐ช๐ง๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ฅ๐ก๐๐ ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐ช๐ข๐ฅ๐ก๐๐ฉ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ ๐ช๐ข๐๐ฃ๐ฉ๐ค.
---
| | | | | | | | |
Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph
10/08/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง
Nagkaisa ang buong pamayanan ng Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN, Agosto 10.
Sa temang โSama-samang Pagtahak sa Ating Kinabukasan,โ tampok sa pagdiriwang ang pakikiisa ng mga tagapamahala, g**o, kawani, at mag-aaral bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa kultura at pagkakaiba-iba ng mga bansa sa ASEAN.
Sinimulan ang programa sa isang makulay na parada kung saan kinatawan ng mga kalahok ang ibaโt ibang bansa sa ASEAN sa pamamagitan ng kanilang mga kasuotan. Ipinamalas sa parada ang makukulay na disenyo, tradisyonal na pananamit, at mga elementong sumasalamin sa kultura ng bawat bansang kinatawan.
Sinundan ito ng seremonya ng pagtataas ng watawat, na nagsilbing simbolikong pagbubukas ng pagdiriwang. Matapos nito, sabay-sabay na inawit ng buong pamayanan ng kampus ang Himno ng ASEAN, na higit na nagbigay-diin sa diwa ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga bansa at kultura sa rehiyon.
Binigyang-diin ni Prof. Marisol S. Foronda, PhD, Cluster Executive Officer, ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos sa pagharap sa kinabukasan sa mensaheng inihatid ni Assoc. Prof. Ryan P. Salviejo, Director for Public Relations, External Linkages, and International Affairs, para sa kanya.
Sa kanyang mensahe, inihambing niya ang ASEAN sa isang malaking bangka na sama-samang tinatahak ng mga bansa sa rehiyon. Aniya, hindi sumusulong ang isang bangka dahil lamang sa lakas ng iisang sagwan, kundi dahil sa sama-samang pagkilos at iisang direksiyon.
Iniugnay rin niya ang tema ng pagdiriwang sa papel ng ISU Cauayan sa paghubog ng kinabukasan, kung saan ang bawat tagapamahala, g**o, kawani, at mag-aaral ay may mahalagang ambag sa pagtataguyod ng kaalaman, inobasyon, paglilingkod, at pag-unlad ng pamayanan.
Binigyang-diin din sa mensahe ang ASEAN Community Vision 2045, na naglalayong bumuo ng isang rehiyong matatag, makabago, at nakasentro sa mamamayan. Sa ganitong pananaw, ang mga institusyong pang-edukasyon ay may mahalagang papel sa paghahanda ng mga mamamayang may kakayahang makibahagi sa paghubog ng hinaharap.
Samantala, kinilala rin sa programa ang mga natatanging kasuotang ASEAN. Pinangunahan ni Prof. Freddie R. Cabrera, PhD, University Director for Socio-Cultural Affairs, ang paggawad ng mga parangal sa mga kalahok na nagpakita ng malikhaing interpretasyon at pagpapahalaga sa kultura sa pamamagitan ng kanilang mga kasuotan.
Bilang pangwakas sa programa, nagbigay ng mensahe si Assoc. Prof. Dionicio D. Gante, Director for Gender and Development at SSC Adviser, na binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pakikiisa ng buong pamayanan ng ISU Cauayan sa mga gawaing nagtataguyod ng pagkakaisa, kultura, at pagkakaunawaan.
---
| | | | | | | | |
Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph
08/08/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Sa diwa ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at pagkakaugnay ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya, sama-sama nating salubungin ang pagdiriwang ng ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ sa ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฌ๐๐๐๐ฅ๐ โ ๐๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง ๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ!
Sa temang ๐๐๐ฆ๐-๐ฌ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ก๐๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง, tunghayan ang makabuluhang pagsisimula ng ating pagdiriwang tampok ang:
๐ต๐ญ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ข๐ฅ๐
๐ถ ๐๐๐ซ๐๐๐
๐ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐จ๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐
Makikiisa sa pagdiriwang ang mga ๐ญ๐๐ ๐๐ฉ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐, ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ, ๐ค๐๐ฐ๐๐ง๐ข, at ๐ฆ๐๐ -๐๐๐ซ๐๐ฅ.
๐
๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐
๐ ๐๐ค๐-๐ ๐ง๐ ๐๐ฆ๐๐ ๐
---
| | | | | | | | |
Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph
07/08/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐| ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง, ๐๐ซ๐จ๐. ๐๐ข๐ฅ๐๐ ๐. ๐๐๐ง๐ณ๐จ๐ฅ๐ข๐ฆ, ๐๐ก๐, ๐๐ข๐๐ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ซ ๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ง๐๐ง๐๐ ๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐๐ฌ!
Sa inyong pamumuno, buong husay ninyong ginagabayan ang unibersidad sa mga hamon ng pamamahalang institusyonal, tangan ang malalim na pag-unawa, maingat na pagpapasya, at malasakit sa mga taong patuloy na nagpapatakbo at nagpapasulong sa ating institusyon.
Ipinapaalala ng inyong pamumuno na ang pangangasiwa ay hindi lamang tungkol sa mga numero, patakaran, at proseso. Higit sa lahat, ito ay tungkol sa paglikha ng isang kapaligirang nagbibigay-daan sa bawat isa na gampanan ang tungkulin nang may layunin, sa mga programa na maisakatuparan nang maayos, at sa Unibersidad na patuloy na makapaglingkod sa pamayanan nang may integridad.
Nawa'y maghatid sa inyo ang kabanatang ito ng panibagong sigla, makabuluhang sandali kasama ang mga taong mahalaga sa inyong buhay, at higit pang pagkakataong masaksihan ang pangmatagalang bunga ng inyong mga pagsisikap at paglilingkod.
Dalangin namin ang inyong mabuting kalusugan, kasiyahan, at marami pang taon ng makabuluhang paglilingkod. Maligayang kaarawan, Dr. Manzolim!
---
| | | | | | | | |
Alamin pa ang higit pang impormasyon tungkol sa Isabela State UniversityโCauayan Campus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph