24/08/2026
๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, muli nating binibigyang-halaga ang wikang Filipino bilang salamin ng ating kultura, pagkakakilanlan, kasaysayan, at pagkakaisa. Sa pamamagitan ng ibaโt ibang gawaing pampanitikan at malikhaing pagpapahayag, nabibigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na maipakita hindi lamang ang kanilang talento, kundi maging ang kanilang mga saloobin, ideya, at pagmamahal sa sariling wika.
Ang mga gawaing ito ay higit pa sa isang paligsahan. Ito ay isang pagkakataon upang magsalita, lumikha, magpahayag, at makiisa sa patuloy na pagpapayaman ng ating wika. Sa bawat pagbigkas, pagsulat, pagdidisenyo, at pagtatanghal, naipapakita natin na ang wikang Filipino ay hindi lamang ginagamit sa pakikipagtalastasanโito ay bahagi ng ating pagkatao at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Kaisa ang ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐๐ง๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐๐ซ๐๐ฅ ๐ฌ๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ (๐๐๐๐
๐) sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto na may temang, โ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐: ๐๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง.โ Binibigyang-diin ang mahalagang papel ng Wikang Filipino sa makabagong henerasyon para maging tulay sa yaman ng Impormasyon.
Tara na at makilahok gamit ang talino, damdamin, at malikhaing diwa sa Pagsulat ng Sanaysay, Digital Poster Making, at Spoken Word Poetry,Deklamasyon at E-Talumpati. Sa bawat salitang isinulat, guhit na iginuhit, at tinig na isinatinig, naipapahayag natin ang pagmamahal sa sariling wika at bayan. Ang ating pakikiisa ay tanda ng pagmamahal sa ating bansa.