05/08/2026
https://www.facebook.com/share/19SBsWd5hR/?mibextid=wwXIfr
📢 ADVISORY | WALANG PASOK
Batay sa DepEd Order No. 22, s. 2024, at sa pinakahuling assessment ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), SUSPENDIDO ANG KLASE SA KINDERGARTEN sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Cauayan bukas, Agosto 6, 2026.
Ang suspensyon ay alinsunod sa kasalukuyang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 na nakataas sa lalawigan ng Isabela bunsod ng Tropical Storm , batay sa pinakahuling Tropical Cyclone Bulletin ng DOST-PAGASA.
Pinapayuhan ang lahat ng mag-aaral, magulang, at mga kawani ng paaralan na manatiling mapagmatyag, mag-ingat sa pagbiyahe, at sundin ang mga kaukulang paalala ng mga lokal na awtoridad, lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng malalakas na pag-ulan, malalakas na hangin, at pagbaha.
Stay updated. Stay safe.
Source: • DOST-PAGASA Tropical Cyclone Bulletin No. 9 (11:00 PM | August 5, 2026) • DOST-PAGASA Weather Advisory No. 17 (11:00 PM | August 5, 2026)
Link: https://www.facebook.com/share/p/19ECZ5TPPE/