21/04/2020
Hello po fellow grantee! Patulong po ako. Pa-like (ππ») namn po ako sa mismong post. Like lang po ang counted. Salamat and Godbless po! βΊοΈ
"Takipsilim"
Joshua G. Ramones
Sa paglubog ng araw
Ay nakita ang liwanag sa mata'y unti-unting bumibitaw
Sa pagsapit ng dilim
Ay tila pumasok mga maliliit na kabaka nang lihim.
Mundo ay nayanig
Bawat isa pag-sa ang bukambibig
Mundo ay tumangis
Bawat isa nagmistulang hubad na bihis.
Sa lupang tuyot
Ay takot ang bumabalot
Sa mga matang tulala
Ay luha ang umaagos sa paghagulgol ng madla.
Panahong hindi malilimutan
Umaasang nasa'y makamtam
Panahong natigil ang oras
Mahirap o mayaman walang takas.
Kinabukasa'y mistulang walang kasiguraduhan,
Bawat isa'y nanatili sa mga tahanan.
Pagsubok na nag-iwan ng mapapait na ngiti sa labi,
Hindi sukat akalaing apektado lahat ng lahi.
Maliliit na kabakang maraming buhay ang kinitil
Hindi magaping kalaban patuloy na sumisiil
At sa gitna ng kawalan ng pag-asa,
Bawat isa'y patuloy na nakikibaka.
Puso man ay parang pinigang dahon
Mga aral sa buhay ang iyong pabaon β
Pagpapahalaga sa sarili, pamilya't kapwa,
Pagtibayin ang paniniwala sa ating Dakilang Ama.
Madilim man ang kasalukuyan at malabo ang kinabukasan,
Liwayway ng umaga ay muling masisilayan at magdidiwang ang lahat ng nananahan.
24/01/2018
18/01/2018
19/11/2017
02/10/2017
13/09/2017
04/09/2017