24/09/2026
Bilang bahagi ng aming tungkulin bilang Supreme Secondary Learner Government (SSLG), patuloy nating isinasagawa ang Patrol Ronda upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at disiplina sa loob ng paaralan.
Sa ating pag-iikot, pinapaalalahanan natin ang mga mag-aaral na iwasang umakyat o lumabas sa bakod ng paaralan, lalo na kung walang pahintulot. Ang simpleng pag-over the bakod ay maaaring magdulot ng aksidente at iba pang panganib, kaya mahalagang sundin ang mga alituntunin ng paaralan.
Hindi layunin ng Patrol Ronda na manita o manghuli ng estudyante, kundi magpaalala, gumabay, at tumulong upang maging ligtas at responsable ang bawat isa. Ang pagsunod sa mga patakaran ay hindi lamang tungkulin ng SSLG, kundi responsibilidad nating lahat bilang bahagi ng school community.
Disiplina ay nagsisimula sa sarili. Kaligtasan ay responsibilidad ng bawat isa.