10/12/2023
CND Northern Spikers pinayuko ang CED hitters
Nakuha ng Cauayan North Central School (Cauayan North District) ang kampeonato matapos talunin sa sunod-sunod na set 25-17, 25-22, 25-18, ang Buyon Integrated School (Cauayan East District) sa ginanap na Cauayan City Athletic Meet Volleyball Elementary Girls sa Our Lady of the Pillar College Junior High School Gymnasium noong December 7, 2023.
May kartadang 3 na panalo at wala pang talo ang CNCS upang makuha ang twice-to-beat advantage sa finals.
Nagpakitang gilas agad si Janelle Ann Sumera, open spiker, ng kanyang matitinding palo upang maunahan ang kalaban sa iskor na 8-3 sa umpisa ng unang set.
Dumagdag naman ng limang magkakasunod na service ace si Aliah May Agustin upang tapusin ang unang set sa iskor na 25-17.
Nabuhayan ng loob ang Hitters dahil sa mga error ng CNCS upang makuha ang lamang, 15-17, sa ikalawang set.
Ngunit bumawi din agad ang spikers dahil sa ipinamalas nilang opensa laban sa hitters.
Natapos ang ikalawang set sa service error ng kalaban, 25-22.
Muling nagpakawala ng matitinding spikes si Sumera at service aces ni Katlene Serveza upang lumamang agad sa ikatlong set, 15-9.
Hindi na pinabayaan ng CNCS ang kanilang lamang at nakuha ang set, 25-18.
Sa unang pagkakataon nakuha ng CNCS ang kampeonato sa Volleyball Elementary Girls Division ng City Meet.
"Sipag, determinasyon, at panalangin yan po ang aming dala sa laro upang kami ang tanghaling kampeon at masaya po kami sa naging resulta nito," wika ni Ayella Felipe ang Team Captain.
Ire-representa ng CNCS Volleyball Girls ang Cauayan City sa darating na CAVRAA 2024.