Marians El Filibusterismo
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Marians El Filibusterismo, School, Catbalogan.
Magandang Gabi.
Ang lupong inampalan ay nagkaroon na ng masusing pagkilatis sa inyong mga inihandang awtput.
Naitala at nagkaroon na rin ng pinal na resulta sa lahat ng awtput.
Nasa amin na ang resulta. Ito'y malalaman ninyo sa darating na Abril 30, 2021.
Kung anuman ang maging resulta, tandaang kayo'y hindi nabigong ipamalas ang inyong angking galing, husay at talento sa lahat ng kategorya. Doon pa lang, panalo na kayo at karapat-dapat bigyan ng pagkilala.
“Kung sa pagtanda ko’y lumingon ako sa aking kabataan at wala ni isa man akong mabuting nagawa para sa bayan, bawat puting buhok ko’y magsisilbing tinik na susurot sa aking pagkatao.” -Isagani
Katulad ng Noli Me Tangere, isinulat ni G*t Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo upang gisingin ang mamamayang Pilipino sa katotohanan at realidad. Ang nasabing nobela ay nakatuon sa tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, and Jacinto Zamora, na ang syang pagkamatay ay nag-iwan ng marka sa kaniyang isipan.
MAGANDANG ARAW, PILIPINAS! Kami ang GRADE 10-OUR LADY OF PILLAR. Abangan ang aming pag panggap bilang mga tauhan ng obra maestra na isinulat ni G*t Jose Rizal na pinamagatang EL FILIBUSTERISMO (The Reign of Greed).
MONOLOGUES
04/23 | 12PM
15/04/2021
Narito na ang nagpipitagang lupon ng inampalan na kikilatis sa mga putaheng inihanda ng mga talentadong mag-aaral ng St. Mary's College of Catbalogan.
Nagmula pa sa iba't ibang paaralan.
Hali na't kilalanin natin sila.
HANDA NA BA KAYO? Malapit na. ABANGAN...
14/04/2021
ABANGAN.
Malapit niyo nang matunghayan ang bukod tanging presentasyong itatampok ng mga talentadong mag-aaral sa Baitang 9 at Baitang 10 ng St. Mary's College of Catbalogan.
Narito ang ilan sa mga putaheng inihanda nila:
1. Digital Poster ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo
2. Movie Trailer
3. Larawan ng mga Tauhan
4. Monologo ng mga Pangunahing Tauhan
IKINAGAGALAK KONG IBAHAGI SA INYO ANG PAGBIBIGAY-BUHAY NG MGA MAG-AARAL SA MAKASAYSAYANG NOBELA NI G*T JOSE RIZAL SA PAMAMAGITAN NG MGA ITINALAGANG GAWAIN.
Ngunit sa gawaing ito'y sasamahan tayo ng mga nagpipitagang mga hurado na nagmula sa iba't ibang paaralan.
"Marahil ay di ko masisilayan ang naging resulta ng aking pluma, ngunit ang bukas ay saksi sa kabuluhan ng aking nobela"
-G*t Jose Rizal
“EL FILIBUSTERISMO” inihanda ng OLP Productions (Grade 10 - Our Lady Of Pillar) mula sa St. Mary’s College Of Catbalogan (SMCC).
Pinagbibidahan nina Matthew Siachua, Aaron Maga, Paul Padios at Kristyl Pagunsan.
Dugo, pawis at luha.
Buhay, dignidad at pananampalataya.
Tatahakin mo ba ang daan patungong kadiliman?
O pipiliin mong maging kasapi ng inang bayan?
Kakasa ka ba para sa kinabukasan ng bayan kung isang bala na lamang ang meron ka para ito'y maipaglaban?
Tagadirehe: Aaron Maga
Prodyuser: Jhoselle Yulo
04/04/2021
Mga nag-gagandahang binibini at ginoo, maligayang araw sa inyo!
Inyong silayan ang pagbibigay-buhay ng mga mag-aaral ng Grade 10- Our Lady of Perpetual Help sa mga makasaysayan at tanyag na mga tauhan ng kilalang nobela na nagpakita sa masalimuot, sa komplikado, at sa malupit na nakaraan ng Pilipinas. Ngunit dahilan rin ito upang mabago ang pananaw ng bawat pilipino.
Kilalanin, tuklasin, at alamin ang kanilang mga pagpupunyagi at kontribusyon bilang mga tauhan sa nobelang isinulat ni G*t. Jose Rizal.
V. Imahe ng mga Tauhan
04/04/2021
Narito na sila! Ang mga nakabibighaning tauhan na mayroong nakasisindak na pag arte.
Ating matutunghayan ang kanilang muling pagbibigay-buhay sa mga karakter na minsa'y naging bakas ng ating nakaraan.
MAGANDANG ARAW, MGA GINOO AT BINIBINI! Kami ang GRADE 10 - OUR LADY OF PILLAR. Abangan ang aming pag-ganap bilang mga tauhan ng obra maestra na inilathala ni G*t Jose Rizal na pinamagatang EL FILIBUSTERISMO (The Reign of Greed).
V. IMAHE NG MGA TAUHAN
04/04 | 9AM
03/04/2021
Mga nag-gagandahang binibini at ginoo, maligayang araw sa inyo!
Inyong silayan ang pagbibigay-buhay ng mga mag-aaral ng Grade 10- Our Lady of Perpetual Help sa mga makasaysayan at tanyag na mga tauhan ng kilalang nobela na nagpakita sa masalimuot, sa komplikado, at sa malupit na nakaraan ng Pilipinas. Ngunit dahilan rin ito upang mabago ang pananaw ng bawat pilipino.
Kilalanin, tuklasin, at alamin ang kanilang mga pagpupunyagi at kontribusyon bilang mga tauhan sa nobelang isinulat ni G*t. Jose Rizal.
IV. Imahe ng nga Tauhan
03/04/2021
Narito na sila! Ang mga nakabibighaning tauhan na mayroong nakasisindak na pag arte.
Ating matutunghayan ang kanilang muling pagbibigay-buhay sa mga karakter na minsa'y naging bakas ng ating nakaraan.
MAGANDANG ARAW, MGA GINOO AT BINIBINI! Kami ang GRADE 10 - OUR LADY OF PILLAR. Abangan ang aming pag-ganap bilang mga tauhan ng obra maestra na inilathala ni G*t Jose Rizal na pinamagatang EL FILIBUSTERISMO (The Reign of Greed).
IV. IMAHE NG MGA TAUHAN
04/03 | 12PM
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Catbalogan