08/12/2022
Ako si Kent Forneste, hilig ko ang pagsasayaw, minsan nama'y sumulat. Malalim ang pagmamahal ko sa kulturang kinabihasnan ko. Kung kaya't ipinapakita ko ito sa paraang kaya ko at mailalabas ko ang talento to. Simula elementarya, aktibo na akong nakikilahok sa mga cultural events sa aming bayan ng Catanauan. Hanggang sa tumungtong ako ng senior high sa MSEUF Lucena. Sumubok akong mag sumali sa isang cultural group sa loob ng paaralan, ang Banyuhay Dance Troupe. Natanggap ako, at isa itong malaking tagumpay para sa akin, para sa kinabukasan ng ating kultura. Isa itong repleksyon sa aking pagkatao, tulad ni Rizal, hindi tayo perpekto. May lalim at dunong tayo ngunit nasa atin na iyon kung paano natin ilalabas. Ang pagmulat sa tamang kaisipan ng tao ay isa sa hangarin ko lalo sa panahon ngayon, hindi tayo susuko sa pag tuklas nang ating dunong.
Kent Forneste
Author