20/07/2026
๐ฃ๐๐ ๐จ๐ ๐จ๐ก๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก: ๐ฃ๐ก๐๐ฆ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐๐ง ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ง๐๐ง๐๐๐๐ฌ ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐๐๐ก
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaunlad ng kapaligiran ng paaralan, pinangunahan ng masigasig at maagap na Punongg**o ng PNHS, Engr. Jesus P. Dela Peรฑa, ang pagsasagawa ng iba't ibang gawaing pangangalaga at rehabilitasyon sa mga pasilidad ng paaralan.
Kabilang sa mga isinagawang hakbang ay ang paglalagay ng metal primer at muling pagpipintura gamit ang kulay Palmera Green sa fire stairway ng tatlong 2-storey na gusali upang maprotektahan ang mga ito laban sa pangangalawang at mapanatili ang tibay. Isinagawa rin ang pagkukumpuni ng bubong at muling pagpintura ng pader ng canteen upang higit na mapaganda at mapanatili ang maayos at kaaya-ayang anyo ng pasilidad.
Ang mga hakbanging ito ay sumasalamin sa matatag na pamumuno ng administrasyon ng PNHS sa pagtataguyod ng isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran na nagbibigay ng higit na kaginhawaan at inspirasyon.