05/06/2025
TARA NA AT MAGBRIGADA!
Magandang araw sating lahat!
Sa muling pagbabalik-eskwela sa taong panuruan 2025-2026, muli po namin kayong inaanyayahan na taos pusong makilahok sa Brigada Eskwela 2025 sa mga araw mula June 9 hangang June 13, 2025. Layon po nating muling buksan ang panibagong taon ng panuruan ng malinis, masigla at nagkakaisa para ating mga mag-aaral ng Liong National High School.
Kami rin po ay tumatanggap ng kahit na ano mang boluntaryong tulong-materyal o suporta para sa ikauunlad ng ating paaralan tulad ng: Mga materyal na pang pintura, disinfecting materials like chlorine, toilet bowl cleaner at sanitizer. Mga carpentry materials din tulad plywood, pako o kahit anumang ibig ninyong maibigay para sa ika-uunlad ng ating paaralan at mag-aaral.
Malugod din po naming ikasisiya ang inyo boluntaryong tulong sa pagsasaayos at pag lilinis ng mga silid aralan at ng school ground.
Maari ring magdala ng sariling, walis, bolo at lalagyan ng maiinom na tubig.
Narito po ang schedule ng mga Barangay at school organizations sa pakikilahok.
, June 9, 2025 (Antipolo, San Pero, Libertad, Cabungahan, SSLG-LNHS, BKD-LNHS)
, June 10, 2025 (Mabini, Intusan, Libas, Malatawan, BSP-LNHS)
, June 11, 2025 (Matubinao, Osmeña, Villa Pogado, YES O-LNHS)
, June 13, 2025 (San Isidro, Liong, WINs-LNHS, Sports Club-LNHS, at iba pang mga volunteers)
KITAKITS MGA KABRIGADA 💪💪💪
Brigada Eskwela Coordinator: Bem Malipot