Pawican Elementary School Alumni Association

Pawican Elementary School Alumni Association PAWICAN ELEMENTARY SCHOOL ALUMNI ASSOCIATION

Magandang gabi po sa lahat ng miyembro ng Pawican Elementary School Alumni Association,Ako po bilang g**o sa paaralang i...
05/09/2025

Magandang gabi po sa lahat ng miyembro ng Pawican Elementary School Alumni Association,

Ako po bilang g**o sa paaralang ito at derektang naka experience ng pagbaha sa aming classrooms ay kumakatok sa inyong mabubuting puso upang humingi ng inyong tulong at suporta para sa ating mahal na paaralan. Sa kasalukuyan po ay kinakaharap ng Pawican Elementary School ang malaking suliranin tuwing tag-ulan dahil sa pagbaha sa paligid ng primary building. Ito po ay nagdudulot ng panganib sa kaligtasan ng mga bata at nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. Nitong nakaraang 2 weeks 3x kami binaha at malaking sakripisyo sa aming apektadong g**o kase imbes focus kami sa pagtuturo maglilins muna kami ng putik sa sahig .

Isa sa pangunahing pangangailangan upang masolusyunan ang problemang ito ay ang pagpapatayo ng kongkretong kanal sa paligid ng primary building Sa pamamagitan nito ay matutulungan nating maiwasan ang pagbaha at mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at g**o.

Lubos po kaming umaasa na bilang mga dating produkto ng paaralan, sama-sama nating maipapakita ang ating malasakit at pagbabalik ng kabutihan sa institusyong minsang nagbigay sa atin ng pundasyon ng ating kaalaman. Anumang tulong — pinansyal man o sa anumang paraan — ay lubos naming ipagpapasalamat.

Maraming salamat po at nawa’y maging katuwang namin kayo sa adhikaing ito para sa ikabubuti ng ating paaralan at ng mga susunod pang henerasyon ng mag-aaral.

Address

Pawican
Cataiñgan
5405

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pawican Elementary School Alumni Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share