29/04/2022
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐
๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ, ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐ธ๐ผ๐บ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ฒ๐น๐ฑ ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐๐ฟ๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ ๐ผ๐ป-๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ญ๐ฏ
Abril 29, 2022 โ Inaprobahan ng Kalihim ng Edukasyon sa joint Execom-Mancom meeting na isinagawa nitong Biyernes, sa pagsasaalang-alang ng interes ng serbisyo at ng teaching force, ang rekomendasyon ng Regional Directors at Division Superintendents na inihain sa pamamagitan ng Governance and Operations Strand na payagan ang mga g**o na hindi mag-report on-site sa Mayo 2 hanggang 13, sa mga sumusunod na batayan:
1. Karamihan ng mga g**o, na may bilang na higit sa 640,000 ay inaasahang maglilingkod sa pambansa at lokal na eleksiyon sa Mayo 9.
2. Gumagawa ng mga paghahanda ang mga g**o at mga paaralan para sa mga aktibidad kaugnay ng eleksiyon at mga lugar ng pagbobotohan bago ang araw ng eleksiyon. Magkakaroon din ng agarang post-election activities sa mga eskuwelahan at ng mga g**o na maninilbihan sa eleksiyon.
Ang mga g**ong hindi maninilbihan sa eleksiyon ay inaasahang patuloy na mag-aasikaso ng mga gawain kabilang ang pagtapos ng mga school forms, paghahanda ng mga instruksiyunal na materyal, paghahanda ng learning plans, at ebalwasyon ng outputs/portfolios ng mga mag-aaral.
Inatasan ng Kalihim ang Governance and Operations at ang Curriculum and Instruction strands na magbigay ng mga naangkop na patnubay sa field units upang maipatupad ang desisyon.
[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2022/04/29/deped-approves-recommendation-of-regional-directors-and-field-operations-to-allow-teachers-not-to-report-on-site-on-may-2-to-13/]