20/01/2025
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐๐-๐ฎ๐ป๐ด ๐จ๐บ๐ฎ๐ด๐ฎ!
๐ฃ๐ฅ๐ ๐ฆ๐จ ๐๐ฎ๐๐๐ถ๐น๐น๐ฒ๐ท๐ผ๐ ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ ๐๐๐, ๐ก๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด
Nagsagawa ang opisina ng PRMSU - Castillejos Campus Gender and Development (GAD) ng Gender Sensitivity Training na nilahukan ng lahat ng mag-aaral sa unang taon at transferees mula sa iba't ibang departamento, ika-17 ng Enero.
Binuksan ang programa sa pamamagitan ng makabuluhang opening remarks ni Dr. Ivy H. Casupanan, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng gender sensitivity bilang bahagi ng edukasyon sa pagbuo ng mas maayos at inklusibong lipunan.
Pinangunahan ito ng campus coordinator ng GAD na si Ms. Beulah Doreen T. Cruz, na nagsilbing resource speaker ng programa. Tinalakay niya ang maraming napapanahong usapin hinggil sa kasarian, kabilang na ang wastong depinisyon ng s*x at gender, maging ang mga ginagampanang tungkulin ng bawat kasarian, at mga hamong kinahaharap ng kababaihan sa kontemporaryong lipunan.
Layunin ng nasabing programa na imulat ang kamalayan at palawigin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa napapanahong pananaw hinggil sa iba't ibang kasarian, karapatan, at mga batas na pumoprotekta rito, lalung-lalo na sa kababaihanโsa ngalan ng edukasyon at pagtuturo ng pagkilala, pagtanggap, at respeto sa lahat ng kasarian.
Ayon kay Charrise Borlaza, isang mag-aaral mula sa BSEd - Social Studies 1 at isa sa mga lumahok, โMahalaga ang GAD training dahil ito ang unang magiging hakbang upang mas maintindihan pa ng mga mamamayan, lalo na ng mga kabataan, ang kahalagahan ng ganitong klaseng usapin. Sa ganitong paraan, magkakaroon tayo ng pantay at patas na pagkilala sa isa't isa, at makakabuo tayo ng panibagong pag-asa para sa komunidad.โ
Ang programa ay isinara sa pamamagitan ng closing remarks ni Dr. Geraldine A. Pagunsan, kung saan binigyang-pugay niya ang lahat ng lumahok at nagbigay-pugay sa kahalagahan ng nasabing aktibidad bilang isang hakbang tungo sa mas inklusibong komunidad.
Ang buong programa ay ginabayan ng emcee na si Ms. Marisol M. Bugayong, na masiglang nagbigay ng maayos na daloy ng mga aktibidad mula simula hanggang sa pagtatapos.
โโโโโโโโโโโโโโโโโโ
Ulat ni Gierome Diaz
Larawang Kuha ni Reynalyn Sabuya