ALS CTVS

Directions

ALS CTVS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ALS CTVS, School, Casiguran.

PAANYAYA SA ORIENTATION NG ALS LEARNERSMagandang araw!Inaanyayahan ang lahat ng mga enrolled Junior High School (JHS) at...
25/06/2026

PAANYAYA SA ORIENTATION NG ALS LEARNERS

Magandang araw!

Inaanyayahan ang lahat ng mga enrolled Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) learners ng ALS na dumalo sa ating Orientation Program na gaganapin sa:

đź—“ Hunyo 26, 2026 (Biyernes)
🕜 1:30 ng hapon
📍 CTVS ALS Office

Layunin ng orientation na ito na mabigyan ang mga mag-aaral ng mahahalagang impormasyon bago ang pagsisimula ng ating modular at face-to-face classes. Dito rin nila makikilala ang kanilang mga magiging g**o, malalaman ang kanilang mga asignatura, mga kinakailangang requirements sa bawat subject, pati na rin ang mga alituntunin at inaasahan sa kanilang pag-aaral sa ALS.

Mahalaga ang inyong pagdalo upang maging malinaw at maayos ang inyong paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Ang mga impormasyong tatalakayin ay makatutulong upang maging gabay ninyo sa inyong paglalakbay bilang ALS learners.

Kung sakaling hindi makadalo ang isang learner, hinihikayat na magpadala ng magulang, kapatid, kamag-anak, o kinatawan upang hindi mamiss ang mahahalagang detalye at mga anunsyong ibabahagi sa orientation.

📌 Mahalagang Paalala:
• Dumaan lamang sa likod ng CTVS patungo sa ALS Office. Huwag nang pumasok sa mismong main campus upang maiwasan ang pag-abala at pagdagdag ng ingay sa loob ng paaralan.
• Ang lahat ng JHS learners ay inaasahang magdala ng sariling ballpen, sapagkat may mga mahahalagang forms at dokumentong kailangang sagutan at kumpletuhin pagkatapos ng orientation.
• Mangyaring bantayan ang inyong text messages at inbox, dahil magpapadala rin kami ng mga indibidwal na paanyaya at paalala sa bawat enrollee.

Inaasahan namin ang inyong pakikiisa at pagdalo. Maraming salamat at magkita-kita tayo sa Orientation Program!

CTVS ALS Team

Please Read!!!In connection with the JOB FAIR & Career Expo 2026 that will be conducted here at Casiguran Technical Voca...
25/02/2026

Please Read!!!

In connection with the JOB FAIR & Career Expo 2026 that will be conducted here at Casiguran Technical Vocational School, the CTVS ALS-SBM offers a Pre-Employability workshop training that will help and guide you on preparing your basic requirements and other needed documents for the said event.

We are inviting all our ALS SHS Graduates and graduating students to attend.

10/02/2026
24/01/2026

WALANG EDAD ANG EDUKASYON

Sa pinalawak na Department of Education Alternative Learning System (ALS), mas pinapalakas natin ang flexible at lehitimong learning pathways para sa out-of-school youth at adults.

Inaayon ang ALS sa K to 12 curriculum at kinikilala ang dating kaalaman at karanasan ng learners.

May malinaw na landas mula ALS patungo sa trabaho, technical-vocational training, o pagpapatuloy ng pormal na pag-aaral.

Ang mga repormang ito ay nakaangkla sa malinaw na direksyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa bisyon ng Bagong Pilipinas: edukasyong inklusibo, may dangal, at may tunay na ikalawang pagkakataon para sa bawat Pilipino, kahit saan ka man nagsimula.

BASAHIN: https://www.deped.gov.ph/2026/01/22/pinalawak-na-alternative-learning-system-nagbubukas-ng-mas-flexible-na-learning-pathways-para-sa-out-of-school-learners/

22/01/2026

Address

Casiguran
4702

Opening Hours

Monday 8am - 4:30pm
Tuesday 8am - 4:30pm
Wednesday 8am - 4:30pm
Thursday 8am - 4:30pm
Friday 8am - 4:30pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ALS CTVS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category