25/05/2026
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ ๐๐ง๐ ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐!
Katuwang ang buong komunidad, ang ๐๐๐ซ๐ซ๐๐ฌ๐๐๐ฅ ๐๐๐ง๐ญ๐ซ๐๐ฅ ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ay muling kakatok sa inyong mga puso para sa ating taunang bayanihan. Sa darating na pasukan, layunin nating maging ligtas, malinis, at handa ang bawat silid-aralan para sa ating mga mag-aaral.
Kasalukuyan po kaming tumatanggap ng mga donasyon (in-kind) o anumang tulong na maaari ninyong maibahagi.
๐ ๏ธ Mga Materyales na Labis na Kinakailangan:
โข Paint (latex/enamel) at paint brushes/rollers
โข Panlinis (walis tingting/tambo, mop, bleach, sabon, basahan)
โข Mga kagamitan sa pagkukumpuni (pako, martilyo, plywood)
โข Mga halaman o kagamitan sa paghahalaman
โข Disinfectants at first-aid kits
๐ค Paano Tumulong o Magbigay?
Maaari po kayong pumunta nang direkta sa ating paaralan at hanapin ang Brigada Eskwela Committee, o mag-padala ng mensahe (DM) sa page na ito para sa karagdagang detalye.
Ang bawat lata ng pintura, bawat walis, at bawat oras na inyong iaalay ay malaking hakbang para sa kinabukasan ng mga batang ๐พ๐๐ง๐ง๐๐จ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ค๐ฃ!
๐๐ข๐ณ๐จ๐ข ๐ฏ๐ข, ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข! ๐๐