DepEd Carmona Carmona Elementary School

DepEd Carmona Carmona Elementary School

Share

Carmona Elementary School strives to give quality education to its school children through the effort of the supportive principal & committed teachers.

18/06/2026

OFFICIAL ADVISORY ๐Ÿ“ข | PAGE NAME CHANGE

Alinsunod sa DepEd Order No. 007, s. 2026 โ€œMedia Management Guidelinesโ€, ipinababatid po ng Carmona Elementary School ang opisyal na pagpapalit ng pangalan ng aming page.

EFFECTIVE IMMEDIATELY:
Luma: DepEd Tayo Carmona ES- SDO Carmona City
Bago: DepEd Carmona Elementary School

Ang pagbabagong ito ay para sa standardized naming convention at uniform branding ng DepEd sa lahat ng social media platforms.

Para sa inyong kaalaman at gabay:
Lahat ng future announcements, advisories, at school features ay ipopost na sa bagong page name na ito.

Maraming salamat po sa patuloy na suporta!๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š

Photos from DepEd Carmona Carmona Elementary School's post 18/06/2026

NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL 2026 | 2ND QUARTER โœ…

Matagumpay na nakiisa ang Carmona Elementary School sa isinagawang NSED 2026 ngayong June 18, 2026, 9:00 AM, alinsunod sa NDRRMC Memorandum No. 15, s. 2026.

Lahat ng mag-aaral, g**o, at non-teaching personnel ay sumunod sa DUCK, COVER, HOLD protocol para masig**o ang kaligtasan ng bawat isa.

Ang kahandaan ay nagsisimula sa pagsasanay. Mabuhay ang mga Batang Central - ligtas, disiplinado, at handa sa anumang sakuna.๐Ÿ’š

Photos from DepEd Carmona Carmona Elementary School's post 16/06/2026

FLAG CEREMONY & BALITAAN | GRADE 5 AT THE HELM ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa Grade 5 ang ating Flag Raising Ceremony kahapon ng umaga sa Carmona Elementary School.

Kasunod nito, nagkaroon ng makabuluhang "Balitaan" tungkol sa Araling Panlipunan na inihanda at ibinahagi ni Gng. Joan E. Maala. Tinalakay dito ang kahalagahan ng Araw ng Watawat Mayo 28 - Hunyo 12 at ang Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Maynila tuwing Hunyo 24, 1571 at ibat-ibang mahahalagang pangyayari sa ating bansa. Magiliw at aktibong nakilahok ang mga bata sa mga katanungang ibinigay ni Gng. Joan E. Maala, na nagpakita ng kanilang pag-unawa at pagmamalasakit sa kasaysayan ng ating bansa.

Isang magandang halimbawa ng student leadership at paglinang ng pagiging makabayan sa murang edad.

Mabuhay ang batang Central!๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’š

Photos from DepEd Carmona Carmona Elementary School's post 11/06/2026

๐Ÿ“ข MATAGUMPAY NAISAGAWA: BACK TO SCHOOL PARENTS' ORIENTATION & SOSA 2026-2027 ๐Ÿ“ข
| June 11, 2026 | CES Covered Court

Isang makabuluhan at punong-punong araw ng partnership! ๐Ÿ’š

Matagumpay na isinagawa ng Carmona ES ang "Back to School Parents' Orientation" kasabay ng "State of the School Address" o SOSA para sa School Year 2026-2027.

Sa pangunguna ng ating butihing Punong G**o III na si Gng. Irene G. Dela Cruz, katuwang ang ilang piling g**o ng Carmona ES na nagsilbing gabay at tagapagdaloy ng programa - sama-sama nating isinakatuparan ang isang makabuluhang pagtitipon para sa kinabukasan ng ating mga anak.

MGA MAHALAGANG NAPAG-USAPAN:

1๏ธโƒฃ SCHOOL POLICIES & GUIDELINES
Tinalakay ang mga alituntunin para sa maayos at ligtas na pag-aaral ng lahat:
- Three-Term School Calendar Implementation- Bagong sistema ng pasukan at bakasyon para mas MATATAG ang learning
- Classroom Assessment, Grading System, Awards & Recognition - Malinaw na Revised guidelines sa K to 12 Grading System
- Learning Continuity in Emergencies - Plano ng paaralan kung may bagyo, baha, o anumang emergency para tuloy-tuloy ang pag-aaral

2๏ธโƒฃ SOSA - STATE OF THE SCHOOL ADDRESS
Ibinida ni Mam Irene ang:
-Enrollment Trends - Bilang ng learners ng Carmona ES sa nakaraang 3 taon. Patuloy ang pagdami = patuloy ang tiwala ng community!
- Human Resources - Total bilang ng Teaching & Non-Teaching Staff na handang maglingkod para sa bawat bata
- Performance Indicators - Mga achievements at accomplishments ng Carmona ES. Patunay na "Excellence" ang tatak Centalians!

3๏ธโƒฃ GUIDANCE & LEARNER WELL-BEING
Nagkaroon ng Information & Dissemination ang ating Guidance Designate na si Sir Jeric R. Gallardo tungkol sa:
- Positive Discipline Approaches - Disiplina na walang pananakit, puro gabay at pagmamahal
- Anti-Bullying RA 10627 - Zero tolerance sa bullying. Tinuruan ang parents kung ano ang 4 na uri ng bullying at paano maging "upstander"
- Process in Handling Cases in School- Malinaw na hakbang kung may insidente para protektado ang bata at patas ang lahat

AFTER GENERAL ORIENTATION:
Diretso ang mga magulang sa classroom ng kanilang anak para sa Classroom Orientation with the Adviser. Mas personal na usapan para sa kapakanan ng bawat learner.

Maraming salamat po sa lahat ng magulang at tagapag-alaga na dumalo at nakinig. Kayo po ang unang g**o sa tahanan. Katuwang namin kayo sa paghubog ng mga batang may puso, talino, at pag-asa .

Sa Carmona ES, naniniwala kami: Kapag nagkaisa ang Paaralan + Magulang + Komunidad, walang batang maiiwan!๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’š

Photos from DepEd Carmona Carmona Elementary School's post 10/06/2026

๐Ÿšซ PAALALA: WALANG PARKING SA CARMONA ES ๐Ÿšซ
Para sa Back to School Parents' Orientation | June 11, 2026

Mahal naming mga magulang at tagapag-alaga,
Pinaaabiso po namin na huwag na pong magdala ng mga sasakyan - 4 wheels man o motorsiklo sa araw ng Parents' Orientation.

Bakit po?
1๏ธโƒฃ Wala po tayong parking space - Masyado pong makitid at puno na ang daan sa loob at labas ng school. Pati mga kalapit na kalsada ay "No Parking Zone" ng barangay.

2๏ธโƒฃ Para sa kaligtasan ng lahat - Libo-libo ang expected na magulang na dadalo. Pag puno ng sasakyan ang daan, nahihirapan pumasok ang mga pedestrian, PWD, at senior citizens. Nasa "Opening Block" pa naman tayo kung saan priority ang safety ng bata at magulang.

3๏ธโƒฃ Mabilis na daloy ng programa - Para di ma-traffic at makaalis agad lahat after ng orientation + classroom orientation.

ANO ANG MUNGKAHI NAMIN?
โœ… Mag-commute, maglakad kung malapit lang, o mag-tricycle
โœ… Mag-carpool/bayanihan with kapwa parents na iisa ang ruta
โœ… Ihatid lang kayo ng driver, then i-park sa malayo at balikan after 2 hours

Ang konting sakripisyo natin ngayon ay para sa kaayusan at kaligtasan ng lahat ๐Ÿ’š

Maraming salamat po sa pag-unawa at kooperasyon!
Sama-sama tayo para sa mga batang Centralians!๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š

10/06/2026

๐Ÿ“ฃ PAANYAYA: PARENTS' ORIENTATION S.Y. 2026-2027 | CARMONA ELEMENTARY SCHOOL ๐Ÿ“ฃ

Magandang araw po mga magulang at tagapag-alaga!

Inaanyayahan po namin kayo sa aming "Back to School Parents' Orientation" para sa mas maayos na partnership ngayong school year.

๐Ÿ“… KAILAN: June 11, 2026 / Thursday
๐Ÿ“ SAAN: CES Covered Court

MORNING SCHEDULE - 9:00 AM TO 10:30 AM
โ€ข Kindergarten (Morning Session)
โ€ข Grade 1, Grade 3 & Grade 5

AFTERNOON SCHEDULE - 1:30 PM TO 3:00 PM
โ€ข Kindergarten (Afternoon Session)
โ€ข Grade 2, Grade 4 & Grade 6

PAALALA:
Pagkatapos ng general orientation sa Covered Court, diretso po kayo sa classroom ng inyong anak para sa Classroom Orientation with the adviser. Dito pag-uusapan ang class rules, programs, at mga concerns specific sa section.

Ang inyong presensya ay mahalaga para sa tagumpay ng ating mga learners ๐Ÿ’š

Sa pangunguna ni Mam Irene G. Dela Cruz, Punong G**o III, tinitiyak po namin ang maayos at ligtas na pag-aaral para sa bawat mag-aaral ng Carmona ES.

Maraming salamat po! See you!

Photos from DepEd Carmona Carmona Elementary School's post 10/06/2026

๐Ÿ“š OPENING BLOCK SA CARMONA ES: PUSO + ISIP + KATAWAN ๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š

Bago ang Math at English, eto muna ang priority namin sa unang linggo ng klase:

1๏ธโƒฃ Anti-Bullying Education - Pinapanood ang animation, dinidiscuss ang effects sa mental health, grades, at relationships. "Words and actions can leave lasting effects"

2๏ธโƒฃ Mental Health Awareness - Safe space ang classroom. Kinakamusta ang bawat bata at tinuturuan mag-open up.

3๏ธโƒฃ Interactive Learning - Energizer, spinner games, "Ang Regalo kay Lea" story, at group activities para active at happy ang lahat.

4๏ธโƒฃ Nutritional Assessment- Kasalukuyang kinukuha na ang height at timbang ng lahat ng learners para sa School Health & Nutrition Program. Layunin: ma-identify agad kung sino ang kailangan ng dagdag na suporta sa pagkain at deworming para laging malusog at handa sa pag-aaral.

5๏ธโƒฃ Reading & Math Assessment- Ginagawa na ang Reading Assessment at RMA - Rapid Math Assessment. Tinitest ang pagbasa at basic math skills ng bawat learner para malaman kung sino ang kailangan ng extra help at intervention. Walang batang maiiwan!

Dahil sa Carmona ES, naniniwala kami: Assess muna bago mag-advance. Alamin ang needs para mas matulungan๐Ÿ’ช

Sa pangunguna ni Mam Irene G. Dela Cruz, tinitiyak namin na bawat bata ay handa - sa puso, isip, at katawan!

Happy learning, Batang Centralians!

Photos from DepEd Carmona Carmona Elementary School's post 09/06/2026

๐Ÿ“‹ MONITORING REPORT: DAY 1 &2 OPENING OF CLASSES S.Y. 2026-2027 | CARMONA ELEMENTARY SCHOOL

Taos-pusong pasasalamat po sa buong Carmona ES sa aming mga bisita na personal na nag-monitor sa unang araw ng klase:

๐Ÿ‘ Hon. Mayor Dahlia A. Loyola - City Mayor
๐Ÿ‘ Dr. Joepi S. Falqueza - SDS, SDO Carmona
๐Ÿ‘ Dr. Wilson Centeno - ASDS, SDO Carmona
๐Ÿ‘ Dr. Elsa O. De Leon - SGOD Chief
๐Ÿ‘ Dr. Joan O. Barajas - Parent Supervisor
๐Ÿ‘ Ma'am Irene G. Dela Cruz - School Head

MONITORED AREAS & ACTIVITIES:
1. Classrooms checked - Sinuri ang kalagayan ng mga upuan, ilaw, electric fan, ventilation, at learning materials para masig**o na conducive sa learning ang bawat room.

2. School facilities inspected - Ininspeksyon ang canteen, covered court, CRs, drainage, at gate para masig**o ang cleanliness at safety.

3. Teachers & learners consulted - Kinamusta ang unang araw nila at inalam ang mga pangangailangan para mas mapaganda pa ang serbisyo.

4. BALIK ESKWELA PUBLIC ASSISTANCE COMMAND CENTER - Sinuri at sinuportahan ang command center na naglalayong tulungan ang mga nagpapa-enroll lalo na ang mga late enrollees, balik-aral, at ALS learners. Dito po nakakatanggap ng agarang assistance ang mga magulang at learners na may concerns sa enrollment.

5. Safety & readiness confirmed - Sa kabuuan, ang Carmona ES ay READY na para sa S.Y. 2026-2027.

Sa pangunguna ni Ma'am Irene G. Dela Cruz, sinisig**o po namin ang cleanliness at orderliness ng paaralan para sa kapakanan ng bawat bata ๐Ÿ’š

Muli, maraming salamat po sa inyong pagbisita at guidance!๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š

09/06/2026

๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—˜ ๐—ก๐—”!
๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—ฌ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿณ, ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐ฌ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—˜๐—ฆ

Naging matagumpay ang unang raw ng pagbubukas ng klase saPaaralang Elementarya ng Carmona kung saan ay mahigit 2,000 mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 ang nagbalik sa kanilang mga silid-aralan.

Maagang nagsagawa ng mga paghahanda ang pamunuan ng paaralan upang matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong pagpasok ng mga mag-aaral sa unang araw ng klase.
Nagtulungan ang mga g**o at kawani sa pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang upang maging komportable at handa ang mga mag-aaral sa pagsisimula ng panibagong taong panuruan.

Bumisita si Mayor Dahlia A. Loyola sa paaralan upang personal na tiyakin ang maayos na pagbubukas ng klase at masubaybayan ang kalagayan ng mga mag-aaral, g**o, at mga pasilidad ng paaralan. Ipinakita rin ng kanyang pagbisita ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa mga programang pang-edukasyon na naglalayong mapabuti ang kalidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ayon kay Irene G. Dela Cruz, punong-g**o ng paaralan, nakahanda ang pamunuuan na tugunan ang mga hamon ng bagong taong panuruan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang suporta sa mga mag-aaral at mga g**o.

"Sisikapin naming matugunan ang lahat ng pangangailangan ng aming mga mag-aaral at mga g**o upang matiyak ang isang ligtas, inklusibo, at makabuluhang kapaligiran sa pagkatuto. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng buong komunidad ng paaralan, naniniwala kaming magiging matagumpay ang Taong Panuruan 2026โ€“2027," ani Dela Cruz.

Naging mas masaya at kapana-panabik ang unang araw ng klase sa pagdalo nni Jollibee na nagbigay ng pampasiglang pagtatanghal para sa mga mag-aaral.

Bukod dito, bumisita rin sina Schools Division Superintendent (SDS) Joepi F. Falqueza at Schools Governance and Operations Division (SGOD) Chief Elsa O. De Leon ng Schools Division Office of Carmona City upang personal na masubaybayan ang maayos na pagbubukas ng klase sa paaralanat suriin ang implementasyon ng mga paghahanda ng paaralan, ang kalagayan ng mga pasilidad, at ang pangkalahatang kapakanan ng mga mag-aaral at g**o sa unang araw ng pasukan.

Samantala, nagpaabot din ng kanyang mensahe si Carlito D. Rocafort sa pamamagitan ng online platform.

Photos from DepEd Carmona Carmona Elementary School's post 09/06/2026

๐Ÿ“ฃ WELCOME BACK TO SCHOOL, CARMONA ES! ๐Ÿ“ฃ

Matagumpay na sinimulan ang S.Y. 2026-2027 sa Carmona Elementary School!

Pinangunahan ni Mam Irene G. Dela Cruz, School Head, ang mainit na pagtanggap sa ating mga mag-aaral. Dinaluhan din ng flag ceremony, energizing activities, at surprise visit ni Jollibee kasama si Dr. Joan O. Barajas, Parent Supervisor.

Kitang-kita sa mga mukha ng mga bata ang saya at excitement - mula Kinder na suot ang "I AM A KINDERGARTEN LEARNER!" crowns hanggang sa Grades 1-6 na sabay-sabay nagtaas ng kamay sa pangako ng disiplina at pag-aaral.

Ang Carmona ES ay handa, ligtas, at buong pusong maglilingkod para sa dekalidad na edukasyon.

Mabuhay ang Carmona ES family!๐Ÿ’š๐Ÿ’š
Welcome back, Batang Centralians!๐Ÿ’š๐Ÿ’š

Want your school to be the top-listed School/college in Carmona?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Poblacion 8
Carmona
4116

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm