Filipino Club- SAACI

Filipino Club- SAACI Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Filipino Club- SAACI, School, Pob. Norte, Carmen.

BUWAN NG WIKA 2025!Tema: "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa"Inaanyayahan ang...
21/08/2025

BUWAN NG WIKA 2025!
Tema: "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa"

Inaanyayahan ang buong pamayanan ng St. Anthony’s Academy of Carmen, Inc. na makisaya, makibahagi, at makiisa sa makulay na Kulminasyon ng Buwan ng Wika na gaganapin bukas! 🎉

Ito ay isang masayang pagdiriwang kung saan ating itatanghal ang yaman ng ating wika, kultura, at tradisyon bilang mga tunay na Pilipino. 🥁🎶 Sa pamamagitan ng iba’t ibang pagtatanghal, paligsahan, at handog ng bawat baitang, sama-sama nating ipagmamalaki ang ating pagka-Filipino.

👗👔 Inaanyayahan din ang lahat na magsuot ng kanilang pinakamagagandang katutubong kasuotan bilang pagpapakita ng ating pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling kultura.

Halina’t damhin ang saya, kulay, at diwa ng Buwan ng Wika. Sama-sama nating ipagbunyi ang ating pagkakaisa at pagmamahal sa sariling wika at bayan! 💃🕺

BUWAN NG WIKA 2025🇵🇭Tema: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”✨ Matagumpay n...
16/08/2025

BUWAN NG WIKA 2025🇵🇭
Tema: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”

✨ Matagumpay na naisagawa kahapon, Agosto 15, 2025, ang mga patimpalak para sa Buwan ng Wika! 🎉
Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talino at husay sa Paglikha ng Sanaysay, Masining na Pagkukuwento, at Tagisan ng Talino. 🖊️🎭🧠

Isang pagpapatunay na buhay na buhay ang ating wika at kultura sa puso ng bawat mag-aaral. 🇵🇭❤️

BUWAN NG WIKA 2025!Tema: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”Tara na at maki...
14/08/2025

BUWAN NG WIKA 2025!
Tema: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”

Tara na at makisali! 🎉
Bilang bahagi ng Buwan ng Wika, inaanyayahan namin kayong lahat bukas sa mga kapanapanabik na patimpalak: Paggawa ng Sanaysay, Tagisan ng Talino, at Masining na Pagkukuwento 🖋📚🎤.
📅 Bukas, ala-una ng hapon – huwag palampasin ang pagkakataong masaksihan ang galing at talino ng ating mga kalahok!

BUWAN NG WIKA 2025Makukulay na ideya at malikhaing obra! 📸✨ Narito ang ilang kuha mula kaninang patimpalak sa Poster Mak...
08/08/2025

BUWAN NG WIKA 2025

Makukulay na ideya at malikhaing obra! 📸✨ Narito ang ilang kuha mula kaninang patimpalak sa Poster Making, Digital Poster at Sketch — tunay na ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talento at galing sa sining. 🎨🖌️💻 Abangan ngayong Kulminasyon ng Buwan ng Wika ang pag-anunsyo ng mga kampeon sa bawat kategorya!



Pasasalamat sa kumuha ng litrato: Carl Buyan - Hermits

08/08/2025

BUWAN NG WIKA 2025🇵🇭

Handa na ba kayo SAACIANS?😃 Mamayang ala-1 ng hapon, magsisimula na ang Poster Making, Digital Poster Making, at Sketch Contest! Ipakita ang inyong galing at likha ng malikhaing isipan!🎨

Maligayang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika! 🇵🇭Buwan ng Wika 2025: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan s...
03/08/2025

Maligayang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika! 🇵🇭

Buwan ng Wika 2025: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”

Ngayong Agosto, ipagbunyi natin ang wikang Filipino at ang mayamang katutubong wika bilang sandigan ng pagkakaisa at pag-unlad.🌾 Sama-sama nating palaganapin ang wika bilang instrumento ng pagbabago at malayang pagpapahayag. Ang salita na kumakatawan sa ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan. ✨

"Wika ang puso ng bayan, sa bawat salita'y may dangal."

Makisama sa mga aktibidad, ipagmalaki ang sariling atin, at patuloy na magmahal sa ating wika!




Address

Pob. Norte
Carmen

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Filipino Club- SAACI posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category