17/08/2026
Magandang araw, Grade 8! Narito sa ibaba ang mekaniks at krayterya para sa isasagawang gawain sa Miyerkules, Agosto 19, 2026, ang Live Adbertisement. Nawa'y makumbinsi ninyo ako sa inyong ibebenta o ipapakitang produkto para palitan ko iyan ng tumataginting na 10 chips o 50 puntos.
Mekaniks ng Gawain:
1. Layunin ng Gawain
o Upang masukat ang kaalaman at kasanayan ng mag-aaral sa paggamit ng propaganda devices sa isang malikhaing paraan.
o Upang malinang ang kahusayan sa pagsasalita, pakikipagtulungan, at pagbibigay ng malinaw na mensahe.
2. Mga Kalahok
o Ang mga mag-aaral ay bubuo ng grupo (5-6miyembro/STAR Class, 5-8 sa REGULAR Class) ayon sa instruksyon ng g**o.
3. Tema at Nilalaman
o Ang adbertisment ay dapat nakabatay sa napiling produkto, serbisyo, o kampanya na kaugnay ng aralin sa Filipino at akma sa kabataan.
o Kailangang gumamit ng hindi bababa sa tatlong (3) sa mga napag-aralang propaganda devices tulad ng:
ï‚§ Deflection
ï‚§ Bandwagon
ï‚§ Testimonial
ï‚§ Transfer
ï‚§ Glittering Generalities
ï‚§ Name Calling
ï‚§ Card Stacking
ï‚§ Plain Folks
4. Oras ng Paghahanda at Pagganap
o Pagganap: Minimum 3 minuto, maximum 5 minuto bawat grupo.
5. Paggamit ng Props at Kostyum
o Maaaring gumamit ng mga materyales na matatagpuan sa silid-aralan o dala ng mag-aaral, basta’t simple at ligtas.
o Hindi pinapayagan ang malaswa, marahas, o nakakasakit na materyales.
6. Wika at Pagpapahayag
o Dapat Filipino ang pangunahing wika sa adbertisment at maaaring Haluan ng kaunting Ingles.
o Ang tono at paraan ng pagpapahayag ay dapat malinaw, nakakaengganyo, at akma sa audience.
7. Paghatol at Pagmamarka
o Ang g**o ang magbibigay ng marka ayon sa nakahandang krayterya.
o Ang desisyon ay pinal.