02/04/2023
π ππππππ¬ππ‘π ππππ₯ππͺππ‘, ππ₯ππ‘πππ¦ππ’ ππππ§ππππ₯
Ngayong araw ginugunita ang ika-235 taong anibersaryo ng kapanganakan ng Filipinong manunulat na si Francisco Balagtas.
Isinilang si Francisco Balagtas noong April 2, 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayo'y Balagtas sa kanyang karangalan), Bulacan mula sa mag-asawang Juan Baltazar at Juana de la Cruz. Sa kautusang inilabas ni Gobernador-heneral Narciso Claveria na magpalit ng apelyido ang mga Filipino, pinili ng pamilya Balagtas ang apelyidong Narvaes Baltazar.
Unang nag-aral sa isang parochial school sa Bigaa si Balagtas. Pagsapit ng 11 taong gulang, nagtungo siya sa Maynila upang maging isang kasambahay ng isang mayamang pamilya sa Tondo. Dito siya nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral. Nakapasok siya sa Colegio de San Juan de Letran at Colegio de San Jose, kung saan siya nakapagtapos ng canon law.
Ang manunulat na si Padre Mariano Pilapil ang nagmulat sa kanya sa mundo ng pagsusulat. Naging g**o rin niya ang tanyag na manunulat na si JosΓ© de la Cruz (Huseng Sisiw) na siyang humasa sa kanyang kakayahan. Si Huseng Sisiw ang nagturo sa kanya ng pagsusulat ng tula para sa kanyang nililigawan. Kalauna'y nakilala niya sa Maria Asuncion Rivera, ang kanyang iniirog. Sa kasamaang-palad, nagkaroon ng mayamang karibal sa puso ni Rivera si Balagtas. Dahil sa isang gawa-gawang kaso, nabilanggo si Balagtas. Sinasabing sa loob ng bilangguan isinulat ni Balagtas ang kanyang masterpiece na 'Florante at Laura' (Pinagdaanang Buhay nina Florante at Laura sa Kaharian ng Albanya).
Bukod sa Florante at Laura, naisulat din ni Balagtas ang 'La India elegante y el negrito amante' at ang komedyang 'Orosman at Zafira'. Pumanaw siya sa edad na 73 sa Bataan noong February 20, 1862.
Bilang pagkilala, nagtindig ng historical marker ang Philippines Historical Committee at National Historical Commission sa kanyang pook-sinilangan sa Bulacan (1949) at sa Orion, Bataan (2015). Tinawag ding Tanghalang Balagtas ang Folk Arts Theater ng Cultural Center of the Philippines.
Sanggunian:
Project Vinta, In Memoriam: Francisco Baltazar (Retrieved from https://www.facebook.com/pvinta/photos/a.1924058474508083/2896481043932483/)
Rappler.com, (April 2, 2018), Google marks Francisco Balagtasβ 230th birthday with special doodle (Retrieved from https://www.rappler.com/life-and-style/199363-google-doodle-francisco-balagtas-birth-anniversary/)
Wikipedia, Francisco Balagtas (Retrieved from https://en.wikipedia.org/wiki/Francisco_Balagtas)