21/11/2021
Nag-uusap sina Bakhaw (Isang puno ng bakawan), Jepoy (Isang hipon), Maymay (Isang maliit na isda), at Lungso (dagat).
Lungso: Pasensiya na kayo aking mga kaibigan kung minsan ay hindi ko napipigilang mapalakas ang aking mga alon.
Maymay: Mabuti nalang at nahaharangan ng mga ugat ni Bakhaw ang aming tinitirahan na siyang dahilan upang hindi kami tangayin kasama ang iba pang mga isda.
Jepoy: Naiintindihan namin Lungso subalit mas maganda siguro kung kay Bakhaw ka humingi ng paumanhin dahil siya ang sumasalubong sa malalakas mong alon.
Lungso: Pasensiya na Bakhaw. Pipilitin kong hindi na maulit.
Bakhaw: Ayos lang naman Lungso.Huwag mong masyadong isipin. Yun naman talaga ang dapat kong gawin, ang protektahan ang mga may buhay na naninirahan saakin at protektahan ang mga tao at kanilang tirahan upang hindi na umabot sa kanila ang malalakas na alon.
Jepoy: Bakit mo naman poprotektahan ang mga tao kung sila mismo ang pumuputol sainyo at ginagawang panggatong?
Maymay: Oo nga. Kahit nga kaming maliliit na isda hinuhili na nila. Wala silang awa.
Lungso: Isa pa, ginagawa pa tayo nilang basurahan kung kaya't madalas akong magalit.
Ibig sabihin ba nito Bakhaw ay ayos lang na nilalakasan ko ang aking alon?
Bakhaw: Hindi Lungso kung ito'y maghahatid ng kapahamakan sa kanila. Hindi pa ganoon kalawak ang kanilang isipan. Hindi natin kailangang gumanti sa kanila sapagkat darating ang araw na sila na mismo ang mangangalaga at magamamahal saatin. Batid kong mabubuti ang mga tao.
(Pagkalipas ng ilang minuto habang sila'y nag-uusap ay paparating naman ang isang grupo ng mangangahoy upang putulin ang mga puno ng bakawan para gawing panggatong.)
Nakikita nilang umiiyak si Bakhaw. Takot na takot sina Maymay at Jepoy. Agad namang tinawag ito ni Lungso na pumunta sa gitna ng dagat. Pagkatapos ay pinakawalan ni Lungso ang malalakas na alon at sumabay pa ang malakas na hangin at buhos ng ulan na siyang ikinasira ng mga bahay sa paligid nito.
Manatili sanang aral sa lahat na kapag pinangalagaan at minahal natin ang kalikasan ay sila mismo ang magpoprotekta saatin.
Sama-sama nating