DepEd Palumbanes Integrated School 500414

DepEd Palumbanes Integrated School 500414 A public educational institution offering complete basic education from kindergarten to senior high school.

ISANG MAINIT NA PAGBATI SA MGA NANALO SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG NUTRISYON! ๐Ÿฅ—๐Ÿฅฆ๐ŸŽโ€‹Lubos na binabati ng ating paaralan ang ...
11/08/2026

ISANG MAINIT NA PAGBATI SA MGA NANALO SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG NUTRISYON! ๐Ÿฅ—๐Ÿฅฆ๐ŸŽ

โ€‹Lubos na binabati ng ating paaralan ang lahat ng mga klasrum at antas na nagpakita ng dedikasyon at nakiisa sa ginanap na pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon nitong nakaraang Hulyo!

โ€‹Narito ang opisyal na talaan ng mga nagwagi bilang Best Implementing Classroom:

โ€‹๐Ÿ† CHAMPION (KAMPEON):
โ€‹Antas Elementarya: Grade 3 - Matiyaga (Gurong Tagapayo: Ma'am Jhoanna S. Rodriguez)
โ€‹Antas Sekundarya: Grade 12 - Kind (Gurong Tagapayo: Sir Rene SJ. Sales)

โ€‹๐Ÿฅˆ 1st RUNNER-UP:
โ€‹Kindergarten Class (Gurong Tagapayo: Sir Leo T. Tatel, Jr.)
โ€‹Grade 10 - Friendly (Gurong Tagapayo: Mx. Edison B. Asanza, Jr.)

โ€‹๐Ÿฅ‰ 2nd RUNNER-UP:
โ€‹Grade 5 - Matipid (Gurong Tagapayo: Ma'am Lalaine P. Trinidad)
โ€‹Grade 11 - Courteous (Gurong Tagapayo: Sir Jessie S. Abejo)

โ€‹Isang taos-pusong pasasalamat din ang ipinaaabot ng buong pamunuan ng paaralan sa ating Municipal Kagawad Popong Pongan sa kanyang patuloy na suporta at sa pagkakaloob ng karagdagang papremyo para sa ating mga nanalo!

โ€‹Binabati rin natin ang LAHAT ng grado at g**o na buong-pusong sumali, nakiisa, at nagbahagi ng kanilang oras at talino upang maging matagumpay ang ating okasyon. Saludo kami sa inyong lahat!

โ€‹


Ang Palumbanes Integrated School ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng ASEAN Month ngayong Agosto! Binibigyang-hal...
11/08/2026

Ang Palumbanes Integrated School ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng ASEAN Month ngayong Agosto!

Binibigyang-halaga natin ang pagkakaisa, pagtutulungan, at ang mas malalim na ugnayan ng mga bansa sa ating rehiyon.

โ€‹Bilang bahagi ng komunidad, layunin nating itaguyod ang kapayapaan, pag-unawa sa kultura, at pagpapahalaga sa ating pagkakakilanlan bilang bahagi ng pamilyang ASEAN. Sama-sama nating hubugin ang mga mag-aaral na may malawak na pananaw at handang makipagsabayan sa global na komunidad.

โ€‹ Mabuhay ang ASEAN! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ธ๐Ÿ‡ฌ๐Ÿ‡ฒ๐Ÿ‡พ๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡ฉ๐Ÿ‡น๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ป๐Ÿ‡ณ๐Ÿ‡ฐ๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ฑ๐Ÿ‡ฆ๐Ÿ‡ฒ๐Ÿ‡ฒ๐Ÿ‡ง๐Ÿ‡ณ




๐Ÿ“ทMx. Ehdz

Good Job P*S - SSLG๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘
08/08/2026

Good Job P*S - SSLG๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘

๐ƒ๐ž๐ฌ๐ข๐ ๐ง๐ข๐ง๐  ๐š ๐๐ซ๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ž๐ซ ๐…๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž, ๐Ž๐ง๐ž ๐๐š๐ ๐ž ๐š๐ญ ๐š ๐“๐ข๐ฆ๐ž || ๐ŸŽ๐Ÿ–/๐ŸŽ๐Ÿ”/๐Ÿ๐Ÿ”

Every great journey begins with a single step, and yesterday, the ๐’๐’๐‹๐† took that step by starting the design of our school's Reading Area. This space is envisioned to become a place where learners can ๐ซ๐ž๐š๐, ๐๐ซ๐ž๐š๐ฆ, ๐๐ข๐ฌ๐œ๐จ๐ฏ๐ž๐ซ, ๐š๐ง๐ ๐ ๐ซ๐จ๐ฐ together.

This initiative reflects our commitment to creating an environment that nurtures learning and encourages every student to embrace the power of reading. As we continue to improve our school, we remain guided by our shared vision and mantra: "๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ง๐ ๐ค๐š ๐ญ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ , ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ข๐ข๐ฐ๐š๐ง."
Together, we ๐›๐ฎ๐ข๐ฅ๐. Together, we ๐ฅ๐ž๐š๐ซ๐ง. Together, we ๐ข๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐ž.

*SSSLG

ISANG MALAKING PASASALAMAT SA BARANGAY TOYTOY COUNCIL! ๐Ÿ›๏ธ๐Ÿ’™โ€‹Nais po ng aming buong pamunuan, mga g**o, at mag-aaral na ip...
07/08/2026

ISANG MALAKING PASASALAMAT SA BARANGAY TOYTOY COUNCIL! ๐Ÿ›๏ธ๐Ÿ’™

โ€‹Nais po ng aming buong pamunuan, mga g**o, at mag-aaral na ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa Toytoy Barangay Council sa kanilang ibinigay na tulong-pinansiyal upang maipagawa at maipatayong muli ang gate ng ating paaralan na nasira ng nakaraang Bagyong Uwan.
โ€‹Dahil sa inyong mabilis na pagtugon at suporta, mas ligtas na muli ang ating campus para sa lahat!

โ€‹๐ŸŽจ PAWANG PINTURA NA LANG ANG KULANG! BAKA GUSTO MONG TUMULONG? ๐Ÿ–Œ๏ธ
โ€‹Kalahating hakbang na lang at kumpletong-kumpleto na ang pagbabalik-ganda ng ating school gate! Kung mayroon po kayong extra na pintura, brush, roller, bukas na bukas po ang ating paaralan para sa inyong tulong at bayanihan.

โ€‹Maraming salamat po sa patuloy na pag-alalay sa ating paaralan at sa kinabukasan ng ating mga kabataan!


ISANG MALAKING PASASALAMAT SA ATING BRIGADA AT PARENT-TEACHER COMMUNITY! โค๏ธโ€‹Nais po naming ipaabot ang aming taos-pusong...
07/08/2026

ISANG MALAKING PASASALAMAT SA ATING BRIGADA AT PARENT-TEACHER COMMUNITY! โค๏ธ

โ€‹Nais po naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang at mag-aaral na nakiisa at nagbuhos ng tulong sa ginanap na General ATAG kahapon, Agosto 6, 2026 (3:00 - 5:00 PM).

โ€‹Dahil sa inyong sipag, tiyaga, at pagtutulungan, mas naging malinis, maayos, at ligtas ang ating paaralan para sa ating mga kabataan. Ang inyong patuloy na suporta at malasakit ay tunay na patunay na mas magaan at mas matagumpay ang anumang gawain kapag tayo ay nagkakaisa.

โ€‹Muli, maraming-maraming salamat sa inyong oras at sakripisyo. Saludo po kami sa inyong dedikasyon! ๐Ÿ‘โœจ

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ MALIGAYANG PAGSISMULA NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโ€‹Ngayong unang Lunes ng Agosto, opisyal nang binuksan ang a...
03/08/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ MALIGAYANG PAGSISMULA NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

โ€‹Ngayong unang Lunes ng Agosto, opisyal nang binuksan ang ating isang buwang pagdiriwang ng Buwan ng Wika!

โ€‹Kaisa ang ating mga dedikadong g**o na buong-pusong ipinagmamalaki ang ating kultura sa pamamagitan ng pagsuot ng mariringal na Filipiniana at tradisyunal na kasuotan. Ang kanilang pagdalo sa unang flag ceremony ngayong buwan na nakasuot ng makabayang gayak ay simbolo ng ating patuloy na pagmamahal, pagpapahalaga, at pagpapayaman sa wikang Filipino at mga wika sa Pilipinas.

โ€‹"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda." โ€” Dr. Jose Rizal

โ€‹Maging inspirasyon sana ang ating mga g**o sa mga kabataan upang patuloy nating tangkilikin at ipagmalaki ang ating sariling kultura at wika.

โ€‹Makiisa, makibahagi, at ipagmalaki ang pagiging Pilipino


HAPPY NUTRITION MONTH 2026! ๐Ÿฅ—๐ŸŒฑโ€‹Ngayong buwan ng Hulyo, kaisa ang ating paaralan sa pagdiriwang ng Nutrition Month na may...
27/07/2026

HAPPY NUTRITION MONTH 2026! ๐Ÿฅ—๐ŸŒฑ
โ€‹Ngayong buwan ng Hulyo, kaisa ang ating paaralan sa pagdiriwang ng Nutrition Month na may temang: "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!"

โ€‹Upang matiyak na tuloy-tuloy ang pagkatuto at hindi maabala ang ating instructional time, minabuti ng ating pamunuan na isagawa ang mga gawaing pang-Nutrisyon sa loob mismo ng bawat silid-aralan (classroom-based celebration).

โ€‹Sa kabila nito, siguradong hindi mawawala ang sigla, pagiging malikhain, at kooperasyon ng bawat klase sa pagpapamalas ng kanilang kaalaman sa malusog na pangangatawan at pangangalaga sa kapaligiran! ๐ŸŽจ๐ŸŽ๐ŸŒฟ

โ€‹๐Ÿ“ธ ABANGAN!
Ang kakaibang galing at pagtutulungan ng bawat baitang ay ating susuriin, at ang magwawaging klase ay buong-giting na ipopost at kikilalanin dito mismo sa ating opisyal na page!

โ€‹Ano sa tingin niyo? Anong grade level kaya ang magwawagi ngayong taon? ๐Ÿค”๐Ÿ†


MAGKASAMA NATING PROTEKTAHAN ANG KABATAAN AT KANILANG PAG-AARAL โ€‹Magandang araw po sa ating mahal na komunidad, mga alum...
23/07/2026

MAGKASAMA NATING PROTEKTAHAN ANG KABATAAN AT KANILANG PAG-AARAL

โ€‹Magandang araw po sa ating mahal na komunidad, mga alumni, at mga kaibigan na may mabubuting kalooban!

โ€‹Kasalukuyan pong kinakaharap ng ating paaralan ang ilang matitinding hamon lalo na't panahon na naman ng tag ulan.

โ€‹Kakulangan sa Silid-Aralan: Kasalukuyan pang on-going ang konstruksyon ng ating mga bagong klasrum at hindi pa naiipatupad ang ilang nakaplanong school repairs.

โ€‹Tag-ulan at Leaking Roofs: Dahil sa pagdating ng panahon ng tag-ulan, malaking problema na naman po ang pagtulo ng mga bubong sa ating mga natitirang silid-aralan.

โ€œHindi po hadlang ang patak ng ulan sa pangarap ng ating mga mag-aaral kung tayo ay magtutulungan.โ€

Maraming-maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta sa ating paaralan at sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Pagpalain po kayo ng Maykapal!


LOOK: ONGOING CONSTRUCTION: NEW SCHOOL GATE๐Ÿ˜โ€‹We are pleased to share with our community that the construction of our new...
21/07/2026

LOOK: ONGOING CONSTRUCTION: NEW SCHOOL GATE๐Ÿ˜

โ€‹We are pleased to share with our community that the construction of our new School Gate is now underway! This essential project aims to strengthen the security and safety of all our students, teachers, and school personnel.

โ€‹Our heartiest THANK YOU VERY MUCH to the Toytoy Barangay Council for funding and actively supporting this project. Your continuous dedication and concern for the welfare and safety of our learners are deeply appreciated by the entire school community.

โ€‹Together, we are building a safer, more secure, and welcoming environment for every student.

โ€‹Once again, thank you very much, Toytoy Barangay Council, for your unwavering service and commitment to education!


MARAMING SALAMAT, HELPING HANDS GROUPโค๏ธ๐Ÿ™Sa ngalan ng Palumbanes Integrated School, at sa lahat ng mga 297 mag-aaral sa e...
21/07/2026

MARAMING SALAMAT, HELPING HANDS GROUPโค๏ธ๐Ÿ™

Sa ngalan ng Palumbanes Integrated School, at sa lahat ng mga 297 mag-aaral sa elementarya na benepisyaryo, kami ay buong-pusong nagpapasalamat sa Helping Hands Group sa ibinigay na tulong pinansiyal para sa matagumpay na supplementary feeding activity.

Ang inyong pagiging bukas-palad ay naging malaking tulong upang mabigyan ng masustansiyang snacks ang aming mga mag-aaral.

Sa loob ng ilang taon, isang karangalan para sa amin ang magkaroon ng katuwang na tulad ninyo. Muli, maraming-maraming salamat sa inyong kabutihan at walang sawang pagsuporta.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Mam Estrella Belmonte , na naging daan upang maisakatuparan ang gawaing ito.

Maraming Salamat din po sa lahat ng mga magulang na tumulong sa pagluluto ng masarap na snacks ng mga bata.

Maraming Salamat sa pakikiisa sa aming paglalayag Helping Hands Group tungo sa pag-unlad ng aming mga mag-aaral at paaralan.


Address

Palumbanes Island
Caramoran
4808

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Palumbanes Integrated School 500414 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Palumbanes Integrated School 500414:

Shortcuts

Share

Category