Ang Bagwis - Pahayagan ng Capas Senior High School

Ang Bagwis - Pahayagan ng Capas Senior High School ๐€๐ง๐  ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‚๐š๐ฉ๐š๐ฌ ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ (๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ)

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ |  CSHS Pinagdiwang ang NSDPuno ng hiyawan at ngiti ang mga mag-aaral ng Capas Senior High School (CSHS) nang ipa...
27/11/2025

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | CSHS Pinagdiwang ang NSD

Puno ng hiyawan at ngiti ang mga mag-aaral ng Capas Senior High School (CSHS) nang ipagdiwang nila ang National Students' Day (NSD), 14 Nobyembre. Isang araw itong inilaan upang magbigay-saya, pahinga mula sa mga gawaing pang-akademiko, at pagpapahalaga sa mga mag-aaral.

"All work and no play makes Jack dull boy. So bilang mag-aaral, you need also time to somehow pause a little, enjoy a little, and more importantly, bond a lot with your friends, with your acquaintances, para mabuo yung holistic development" ani Ginoong (G.) Bart G. Arellano, Supreme Student Leader Government (SSLG), adviser.

Dagdag pa ni Lester Nogoy, SSLG president ipinagdiriwang umano ang araw na ito upang mapalakas ang kumpiyansa ng mga mag-aaral sa kanilang sarili at malinang ang kanilang isipan, talento, at mga passion.

"We believe that students aren't just learners; they are the innovatorsโ€”the hope of the future," dagdag ni Nogoy.

Samantala, upang maghatid ng saya sa pagdiriwang, nanguna ang SSLG sa pag-oorganisa ng ibaโ€™t ibang aktibidad kabilang dito ang pagtatayo ng mga booths ng mga organisasyon sa paaralan.

Kabilang sa mga nakibahagi ang Humanities and Social Sciences (HUMSS) Society, Accountancy and Business Management (ABM) Society, Senior Science Society (SSS), Rover Scouts, at Soul Cultural Club (SCC).

โ€œMarami akong natutunan today. First, it's the leadership. Dito ako nasubok nang malala kasi isang araw lang ang preparation. Siyempre, hindi mawawala ang stress. Pero ang natutunan ko, go with the flow lang, enjoy the moment kahit stressful,โ€ wika ni Justine Pineda, presidente ng HUMSS Society.

Maliban sa mga booths, nagdaos din ang paaralan ng slogan and poster making contest, Mobile Legends tournament, at spoken word poetry.

Sa huli, nagpasalamat ang SSLG sa mga mag-aaral na nakibahagi sa pagdiriwang, maging sa mga g**ong tumulong upang maging matagumpay ang mga aktibidad at nagpaabot din sila ng pasasalamat kina Gng. Elizabeth Estabilio, assistant principal, at G. Mariolito Magcalas, punong g**o.

๐Ÿ“: Juliana B. Luna
๐Ÿ’ป: Josea Alizier Q. Trinidad
๐Ÿ“ท : Gabrille Ann Casalmer
Aneicia Tolentino
John Adrian Cabanayan

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  ๐ง๐  ๐‚๐š๐ฉ๐š๐ฌ ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐ง๐š ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐›๐š๐ค ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐’๐ž๐œ๐จ๐ง๐๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ž๐ซ...
19/11/2025

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  ๐ง๐  ๐‚๐š๐ฉ๐š๐ฌ ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐ง๐š ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐›๐š๐ค ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐’๐ž๐œ๐จ๐ง๐๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ฌ๐š ๐๐š๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“! ๐ŸŽ‰๐Ÿ“ฐ

Nagbunga ang inyong ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’๐’…, ๐’•๐’Š๐’š๐’‚๐’ˆ๐’‚, ๐’‚๐’• ๐’…๐’†๐’•๐’†๐’“๐’Ž๐’Š๐’๐’‚๐’”๐’š๐’๐’ na nagpapatunay na ang tunay na mamamahayag ay hindi sumusuko. ๐Ÿ’ช๐Ÿผโœ๐Ÿผ

Nawaโ€™y mas lalo pa ninyong paghusayan upang makamit ang tagumpay at makatungtong sa ๐‘น๐’†๐’ˆ๐’Š๐’๐’๐’‚๐’ ๐‘บ๐’„๐’‰๐’๐’๐’๐’” ๐‘ท๐’“๐’†๐’”๐’” ๐‘ช๐’๐’๐’‡๐’†๐’“๐’†๐’๐’„๐’†. ๐ŸŒŸ

๐“Ÿ๐“ช๐“ญ๐“ช๐”‚๐“ธ๐“ท, ๐“’๐“ช๐“ถ๐“น๐“พ๐“ผ ๐“™๐“ธ๐“พ๐“ป๐“ท๐“ช๐“ต๐“ฒ๐“ผ๐“ฝ๐“ผ! โ˜๐Ÿผ๐Ÿ–‹๏ธ

๐Ÿ“: Juliana B. Luna
๐Ÿ’ป: Josea Alizier Q. Trinidad

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š-๐“๐€๐๐€๐– | CSHS Binida ang Lasa, Talento, at Negosyo sa Trade Fair 2025     Matagumpay na idinaos ng Capas Senior Hig...
07/11/2025

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š-๐“๐€๐๐€๐– | CSHS Binida ang Lasa, Talento, at Negosyo sa Trade Fair 2025

Matagumpay na idinaos ng Capas Senior High School (CSHS) ang taunang Trade Fair 2025 noong Oktubre 23โ€“24, na layuning linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng pagnenegosyo at inobasyon.

Pormal na binuksan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na pananalita ni Dr. Mariolito G. Magcalas, punongg**o na nagbigay-diin sa kahalagahan ng paglinang sa talento at disiplina ng mga kabataang negosyante.

Dumalo sa nasabing okasyon sina Ginoo (G.) Kelvin o mas kilala bilang Darang Baby, may-ari ng Upaya Cafรฉ; Kapitan Aries Capitulo; at Ginang (Gng.) Marie Tanglao, kinatawan mula sa Munisipalidad ng Capas at sekretarya ni Mayor Boots.

Nagbigay rin ng inspirasyonal na talumpati si Gng. Joy D. Quintono, Tagapangulo ng CSHS Trade Fair 2025, na nagpuri sa pagsisikap ng mga mag-aaral sa pagtataguyod ng malikhaing negosyo.

Isinagawa ang seminar para sa mga kabataang lider at negosyante, tampok sina G. Jose Roberto L. Navata mula sa DOLE (Department of Labor and Employment) at Gng. Tanglao mula sa Munisipalidad ng Capas, na nagbahagi ng kaalaman tungkol sa pagnenegosyo at oportunidad sa paggawa.

Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang Cookfest Competition, kung saan itinanghal na 1st place ang pangkat mula sa TVL/H.E. strand, sinundan ni Andrei Dela Torre at ang kanyang ina bilang 2nd place, at Jenica Dimla at ang kanyang tiyahin bilang 3rd place.

Kasabay nito, ipinagkaloob din ang ibaโ€™t ibang parangal sa mga natatanging kalahok sa ibaโ€™t ibang kategorya.

Para sa Best Booth, nagwagi ang Cupidโ€™s Craving, habang itinanghal namang Best Prototype ang Bowlicious Chikapops. Nakuha ng Matchacrunchapocalypse ang Highest Profit Award dahil sa kanilang matagumpay na benta. Sa Business Plan Competition, nakamit ng Taste of Cloud and 1st Place, sumunod ang Fruit Ninja bilang 2nd place at Wrap nโ€™ Sip ang nagwagi ng 3rd place. Sa kabilang banda, itinanghal namang Most Followed Business ang Lumalemon, patunay ng kanilang epektibong paggamit ng social media sa pagpapalago ng negosyo.

Samantala, sa patimpalak na BB. Barako, itinanghal na kampeon si Prince Patrick Ramos, sinundan nina Kian Macasaquit (1st), Ivbrent Kurt Ferrer (2nd), Christian Jericho Rodriguez (3rd), at Heinrich Salvador (4th).

Sa huli, naging matagumpay ang aktibidad sapagkat nakiisa ang bawat mag-aaral ng CSHS sa aktibidad at natuto.

๐Ÿ“: Ashley Palad
๐Ÿ“ท: Gabrille Ann G. Casalmer, Aneicia Tolentino
๐Ÿ’ป: Josea Alizier Q. Trinidad

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š-๐“๐€๐๐€๐– | ROVIC, matagumpay na naisagawa para sa Rover Scouts     Matagumpay na idinaos ang dalawang araw na Rover O...
07/11/2025

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š-๐“๐€๐๐€๐– | ROVIC, matagumpay na naisagawa para sa Rover Scouts

Matagumpay na idinaos ang dalawang araw na Rover Orientation, Vigil and Investiture Ceremony (ROVIC) na nilahukan ng mga Rover Scouts sa Capas Senior High School (CSHS), Setyembre 19-20.

Ito ay may layuning mas mapalawak ang kaalaman at hubugin ang disiplina ng mga kabataan, kasabay ng pormal na pagtatalaga bilang ganap na Boy Scouts of the Philippines (BSP) at bilang opisyal na kasapi ng Rover Scouts.

Pinanungahan ang nasabing programa ng Tarlac Council Training Team na inorganisa naman nina Gina C. Pabustan at Joshua B. David, coordinator, kasama ang Rover Leader na si Racquel N. Cajuguiran Jr. at katuwang ang iba pa nilang kasamahan sa Rover Scouts Circulo 08 ng nasabing paaralan.

Sa kabilang dako, binuksan naman ang programa sa pamamagitan ng panalangin na sinundan ng Lupang Hinirang, Pledge of Allegiance, pagbigkas ng Scout Oath at Law, at nang BSP Vision and Mission.

Tinalakay rin ang iilang mahahalagang paksa, tulad ng History of Scouting, Scouting Fundamentals, The WOSM and BSP Structure, The Youth Program, at Rover Scouting.

โ€œAs a External ARL of Circle 08, masaya at may halong pangamba dahil hindi namin alam kung gugustuhin ba ng mga grade 11 students ang Rover pag nalaman nila ang tunay na ginagawa, naging pangamba ito sakin sapagkat halos sa mga student ay galing sa Senior scout.โ€ saad ng External Assitant Rover Leader na si Ashley Maliwat.

Dagdag pa niya na ang karanasan ng mga Rover Scout ay pinakamahusay sa lahat ng karanasan sa scouting.

Sa pagtatapos ng seremonya ay ipinakita ng mga Rover Scouts ng CSHS ang tunay na diwa ng pagiging handa, tapat, at mapaglingkod.



๐Ÿ“: Khyna Leanne F. Yalung
๐Ÿ“ท: Gabrille Ann G. Casalmer
๐Ÿ’ป: Josea Alizier Q. Trinidad

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š-๐“๐€๐๐€๐– | Linggo ng Kasuotang Pilipino, ipinagdiwang sa CSHS     Idinaos ng mga mag-aaral ng Capas Senior High Schoo...
07/11/2025

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š-๐“๐€๐๐€๐– | Linggo ng Kasuotang Pilipino, ipinagdiwang sa CSHS

Idinaos ng mga mag-aaral ng Capas Senior High School ang Linggo ng Kasuotang Pilipino noong ika- 19 ng Setyembre upang ipaalala sa mga estudyante ang kasaysayan at kultura ng bansang Pilipinas.

Pinangunahan ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) Society sa pangunguna nina Ginoong (G.) John Patrick Lique at G. Roberto Manucum Jr. ang pagdiriwang sa Linggo ng Kasuotang Pilipino katuwang ang mga mag-aaral mula sa ika-11 at ika-12 na baitang sa pamamagitan ng pagsusuot ng ibaโ€™t ibang tradisyunal na kasuotang Pilipino.

Samantala, binigyang linaw ni G. Lique na sa bawat suot ng baro't saya, t'boli, kimona at iba pang makukulay na kasuotan ng mga estudyante ay sumasalamin sa yaman ng kultura na kailanma'y hindi dapat kalimutan.

"Ang pagsusuot ng tradisyunal na kasuotan ay isang paraan para maipadama ng kabataan ang pagmamahal nila sa sarili nating kultura" saad ni G. Manucum mula sa HUMSS

Gayundin, nagsuot ang mga g**o ng kani-kanilang makukulay na katutubong kasuotan bilang pakikiisa at pakikibahagi sa mga estudyante sa masiglang pagdiriwang, na nagbigay-diin hindi lamang sa kasaysayan kundi pati na rin sa pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.

Itinampok din ang pagpili ng ilang mag-aaral na mayroong pinakakaakit-akit na tradisyunal na kasuotan, kabilang sa mga kinilala ang ilang mga mag-aaral mula sa iba't ibang strand katulad ni Charles Mieinard mula sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM).

Kaugnay nito, wagi ang HUMSS strand sa pagpapamalas ng kahusayan sa pagsayaw na may kaugnayan sa tradisyon at kultura ng bansa


Sa huli, naging matagumpay ang pagdiriwang ng selebrasyon na hindi lamang nagbigay kasiyahan sa mga mag-aaral, kundi nagsilbi ring paalala na ang ating kultura at tradisyon ay dapat na patuloy nating mahalin at isapuso bilang isang Pilipino.

๐Ÿ“: Joyce Yutuc
๐Ÿ“ท: Gabrille Ann G. Casalmer
๐Ÿ’ป: Josea Alizier Q. Trinidad

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | CSHS, CFS BF3 R2 sanib-pwersa sa Fun RunSanib-puwersa ang Capas Senior High School (CSHS) at Capas Fire Station...
02/09/2025

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | CSHS, CFS BF3 R2 sanib-pwersa sa Fun Run

Sanib-puwersa ang Capas Senior High School (CSHS) at Capas Fire Station (CFS) BF3 R2 sa isinagawang Fun Run noong Agosto 27, na nilahukan ng mga mag-aaral sa CSHS.

Tinatayang 2.2 kilometro ang tinakbo ng mga kalahok sa Fun Run mula Barangay Cut-Cut 1st hanggang San Nicholas, Sto. Domingo I, Capas.

"Sa pamamagitan ng Fun Run ay nagbibigay ito ng ehersisyo sa katawan ng estudyante na tumutulong na magpalakas at magpatibay sa immune system ng isang tao," saad ni Nicole Lansangan, Staff CRU, Driver Pump Operator (DPO) at Fire Safety Inspector (FSI).

Dagdag pa ni DPO, FSI Lansangan, ang papel ng CFS ay pagbibigay ng kaligtasan, agarang tugon sa hindi inaasahang pangyayari, pagbibigay suporta sa bawat mag-aaral at pagbibigay kasiyahan sa mga nakilahok ng Fun Run sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig.

Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Jharen Calma, ika-12 na baitang ang kaniyang karanasan sa aktibida. Aniya, gusto niya pa raw muling makilahok sa susunod pang Fun Run.

"Syempre napagod ako tapos pinawisan ganun tapos masakit pa sa paa pero nag-enjoy naman ako," saad niya.

Ani ni DPO, FSI Lansangan handa pa silang tumulong, magbigay saya, at makipagtulungan sa paaralan sa mga susunod pang aktibidad.

Sa huli naging matagumpay ang aktibidad sa pagtutulungan ng mga namumuno ng paaralan na sina Ginang (Gng.) Elizabeth Estabillo, kawaksing punongg**o, Ginoong (G.) Mariolito G. Magcalas, PhD, punongg**o, katuwang ang mga g**o sa Sports Track sa pangunguna ni G. Romero Lindo, subject group head-Sports kaugnay ang mga bumbero ng CFS.


โœ๐Ÿป: Juliana B. Luna
๐Ÿ“ธ: Gabrille Ann Casalmer
Erhos Ichan Gardiola
Aneicia Tolentino
John Adrian Cabanayan
๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ’ป: Josea Alizier Q. Trinidad
Gabrille Ann Casalmer

๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š | ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ ๐—™๐—จ๐—ก ๐—ฅ๐—จ๐—ก 2025๐Ÿ“ท: Gabrille Ann Casalmer      Erhos Ichan Gardiola       Aneicia Tolentino      John Adrian Ca...
02/09/2025

๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š | ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ ๐—™๐—จ๐—ก ๐—ฅ๐—จ๐—ก 2025

๐Ÿ“ท: Gabrille Ann Casalmer
Erhos Ichan Gardiola
Aneicia Tolentino
John Adrian Cabanayan

๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š | ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ ๐—™๐—จ๐—ก ๐—ฅ๐—จ๐—ก 2025๐Ÿ“ท: Gabrille Ann Casalmer     Erhos Ichan Gardiola      Aneicia Tolentino    John Adrian Cabana...
02/09/2025

๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š | ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ ๐—™๐—จ๐—ก ๐—ฅ๐—จ๐—ก 2025

๐Ÿ“ท: Gabrille Ann Casalmer
Erhos Ichan Gardiola
Aneicia Tolentino
John Adrian Cabanayan

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | PROJECT SPARK โœจ, Inilunsad para sa mga Student-leader ng CSHS Matagumpay na naisagawa ang seminar at pagsasanay...
30/08/2025

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | PROJECT SPARK โœจ, Inilunsad para sa mga Student-leader ng CSHS

Matagumpay na naisagawa ang seminar at pagsasanay ng mga student-leader ng Capas Senior High School (CSHS) sa Teacherโ€™s Hall ng Capas East Central School nitong ika-27 ng Agosto, 2025.

Ang Project Spark โ€œStrengthening Passion, Accountability, Resilience, and Knowledgeโ€ ay kauna-unahang proyektong inilunsad at pinangunahan ng mga opisyales ng School Secondary Leader Government (SSLG), Ginoong (G.) Bart G. Arellano, ang kanilang tagapayo at ang mga panauhing pandangal na sina Ginang (Gng.) Mahalia C. Bertillo, Municipal Public Information of Capas, Bb. Krizza Jane Payumo, Sangguniang Kabataan (SK) Municipal Federation Vice President, Gng. Karen Reyes CSHS Teacher, at Chef Andrew Francia, DHS Teacher .

"Basta't lagi kayong masaya at magiging successful kayo. Para sa inyong buhay sa lahat ng ginagawa niyo ay dapat pasyon niyo 'yon, you gain knowledge na karagdagang magiging desisyon niyo sa buhay,โ€ ani G. Mariolito G. Magcalas, Principal IV, sa kaniyang inspirasyonal na mensahe.

โ€œProject Spark 2025 is now officially open,โ€ na sama-samang binigkas ng SSLG at ng kanilang tagapayo na si G. Arellano na naging hudyat ng pagsisimula ng seminar at pagsasanay sa ilalim ng Project Spark.

โ€œYou are the future of Capas and as leaders we're expecting you to be the guardian of the environment as well.โ€ saad ni Gng. Bertillo sa pagtalakay sa paksang Makakalikasang Lider.

โ€œTo be a great leader you have to do the hard drive because at the end of the day, by doing the hard drive and trusting the result di kayo magsisisi na ginawa niyo yung tama.โ€ ani ni Bb. Payumo sa paksang Makabansa.

โ€œBeing a makatao is more than a value. As student leaders, let's us inspire others by leading with compassion, fairness and respect for all. Magpakatao palagi, piliing maging mabuting tao sa lahat ng oras, may makakakita man o wala.โ€ wika ni Gng. Reyes ukol sa pagiging Makatao.

โ€œWhen you are committing to yourself, it's better to start with small things because small things are achievable for bigger accomplishments.โ€ wika ni G. Francia sa pagpapalawig sa paksang Maka-Diyos.



Sinundan ang seminar ng mga serye ng aktibidad sa bawat sesyon at ang Oath Taking ng mga mga bagong bukas na organisasyon ng CSHS, ito ay ang Yes-O Club, Barkada Kontra Bisyo (BKB), at ang Batang Empowered Resilient Team (BERT) kasama ang kani-kanilang mga g**ong tagapayo.

Sa huli, naglahad ng malaking pasasalamat si G. Lester Dio M. Nogoy, Pangulo ng SSLG, at si G. Arellano sa naging resulta ng seminar at inaasahan na ang Project Spark ay magkakaroon ng positobong epekto sa mga mag-aaral, paaralan at komunidad.


โœ๐Ÿป: Katelyn Y. Andaya
๐Ÿ“ธ: Ehros Ichan Gadiola
๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ’ป: Josea Alizier Q. Trinidad

Pagbati sa lahat! ๐Ÿ’™
18/07/2025

Pagbati sa lahat! ๐Ÿ’™

Address

Capas
2315

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Bagwis - Pahayagan ng Capas Senior High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Ang Bagwis - Pahayagan ng Capas Senior High School:

Shortcuts

Share

Category