16/07/2026
BRIGADA HEROES 2026
Isang taos-pusong MARAMING SALAMAT sa ating mga Brigada Heroes 2026 na buong pusong naglaan ng oras, lakas, talento, at suporta para sa matagumpay na paghahanda ng Capas West Central Elementary School sa pagbubukas ng School Year 2026–2027.
Ang inyong walang sawang pakikiisa at diwa ng bayanihan ay naging inspirasyon upang maging mas malinis, mas ligtas, at mas handa ang ating paaralan para sa ating mga mag-aaral.
Sa bawat pinturang ipinahid, silid-aralang inayos, kagamitang ibinahagi, at serbisyong ipinagkaloob, kayo ay naging tunay na mga bayani ng ating paaralan.
Kayo ang puso ng Brigada Eskwela. Kayo ang tunay na Brigada Heroes 2026!
Lubos ang aming pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Capas, sa ating mga Municipal Officials, Barangay O'Donnell Officials, iba't ibang Government Offices, Private Offices, Uniformed Personnel, Private Establishments, mga stakeholders, alumni, volunteers, mga magulang, at sa lahat ng indibidwal at organisasyong nagkaisa upang maisakatuparan ang diwa ng Brigada Eskwela.
Ang inyong malasakit, pagkakaisa, at walang sawang suporta ay malinaw na patunay na ang edukasyon ay isang pananagutang sama-samang isinusulong ng buong komunidad. Ang bawat tulong—malaki man o maliit—ay nag-iwan ng malaking ambag sa paglikha ng isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Mula sa buong pamunuan ng Capas West Central Elementary School, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pinakamalalim na pasasalamat. Maraming salamat sa inyong pagmamahal, pagtitiwala, at patuloy na pakikiisa sa ating paaralan.
Perform to LEAD, Success is our QUEST! 💙💚