08/09/2026
๐ MAGANDANG ARAW, AISEIANS! ๐ต๐ญ
Buong saya, pagmamalaki, at galak naming inaanunsiyo ang mga nagsipagwagi sa ating mga patimpalak na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan! ๐๐
Sa pamamagitan ng inyong talento, pagkamalikhain, husay, at pagmamahal sa ating kasaysayan at kultura, tunay ninyong ipinakita na ang kabataan ay may mahalagang papel sa pagpapanatili at pagpapahalaga sa ating makulay na pamana.
Mula sa Poster Making, Slogan Making, at Katutubong Kasuotan, naging makulay at makabuluhan ang pagdiriwang dahil sa inyong aktibong pakikiisa at kahanga-hangang mga likha. ๐
๐ CONGRATULATIONS SA LAHAT NG MGA NAGSIPAGWAGI! ๐
Ang bawat likha, ideya, at pagtatanghal ay patunay ng inyong talento at pagmamahal sa ating pagka-Pilipino. Higit pa sa pagkapanalo, ang tunay na tagumpay ay ang pagbibigay-buhay ninyo sa ating kasaysayan at kulturang dapat nating ipagmalaki at ipasa sa susunod na henerasyon. ๐ต๐ญโค๏ธ
Mabuhay ang mga batang AISEIANS!
Mabuhay ang ating kultura!
Mabuhay ang ating kasaysayan! ๐ต๐ญโจ
AP Department