05/03/2026
Isang taos-pusong pasasalamat sa ating mga atletang lumahok sa Regional Badminton Competition โ Bicol Meet 2026 (Womenโs Singles ClairhaEvhoneSConchada at Menโs Singles Prince Walter O. Olit) na ginanap sa Legazpi City mula March 1โ7, 2026 sa Bicol University.
Bagamaโt hindi natin nakuha ang inaasam na panalo, ipinakita ninyo ang tunay na tapang, disiplina, at determinasyon sa loob ng court. Ang pag-abot ninyo hanggang quarterfinals ay patunay ng inyong matinding pagsisikap, dedikasyon, at pagmamahal sa isport. Ipinagmamalaki namin kayo dahil dala ninyo ang karangalan ng ating paaralan at ng lalawigan ng Camarines Norte. Kahit isa sa pinakamaliit at tawid dagat na paaralan ay punatuluyan nyo na hindi ito hadlang na makamit ang inyong pangarap. Nagsilbi kayong inspirasyon sa mga kabataan.
Ang inyong laban ay hindi lamang tungkol sa medalya kundi tungkol sa pagpapakita ng sportsmanship, tibay ng loob, at inspirasyon sa iba pang kabataang atleta.
Maraming salamat din sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito โ sa ating head coach Kim Lester M. Cataroja, kay mam Diana Camacho ang kanilang maalaga at maaasahan na Chaperone , Kay coach MaiTe Sara Abraham trainer Edward Gerio maraming salamat from day 1 to closing, sa aming school head Dhey Jueves sa suporta at assistance mga magulang na tumulong sa paghahanda ng pagkain at gabay sa mga atleta Judy Ann Sodela Conchada Precil Ortega Olit , sa mga donors mam Emma Francisco Aler Ariel Jueves Caldit sa sapatos, pagkain, shuttle at iba pa, barangay officials na nagbigay ng financial assistance, kay mam Eunice sa catering, kay coach Philip Palencia sa pag-ampon sa amin sa lourdes, kay sir Jotham D. Balonzo and mam Catherine sa aming unang tinuluyan at LGU na walang sawang sumuporta sa ating mga atleta. Ang inyong tulong, tiwala, at sakripisyo ang nagsilbing lakas at inspirasyon ng ating koponan.
Sa ating mga atleta, panalo pa rin kayo sa puso ng inyong komunidad. Patuloy ninyong paghusayin ang inyong kakayahan at dalhin ang aral ng laban na ito sa mga susunod pang kompetisyon.
Mabuhay ang ating mga atleta! Mabuhay ang Camarines Norte!