23/04/2026
DepEd Order No.6, s. 2026
Ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone at iba pang portable electronic devices (gaya ng tablets at gadgets) ng mga estudyante at maging ng mga g**o o kawani habang may klase.
👉 Bakit ito ipinagbabawal?
Para maiwasan ang distraksyon
Para mapanatili ang maayos at seryosong kapaligiran sa pag-aaral
👉 May mga eksepsyon (pinapayagan sa ilang sitwasyon):
Para sa pag-aaral (Academic purposes)
Paggamit ng gadgets kung kailangan sa lesson
Halimbawa: research, online activities, educational apps
Sa oras ng emergency
Halimbawa: sakuna, may sakit, o agarang pangangailangan sa komunikasyon
👉 Parusa kapag lumabag:
Ang sinumang lalabag (estudyante man o g**o/kawani) ay maaaring mapatawan ng kaukulang parusa
Ang parusa ay nakabatay sa itinakdang disciplinary rules ng DepEd (nakasaad sa Annex G)