16/07/2020
Paalala sa mga Magulang:
π© Wala pong face to face class interaction ngayong school year. May "pasok" pero hindi na pupunta ang bata sa schools.
π©Hindi po online lang ang mode of learning. May modular pa at blended learning din po. Kung wala kayong gadget at internet, wag po kayong mabahala. May printed modules po na darating sa inyo sa oras na magsimula ang "pasukan".
π© Wag po kayong magpanic sa pagbili ng workbooks. Ang mga g**o po ay naghahanda ng modules para sa inyong anak. Developmentally appropriate modules π Hindi chopsuey na workbooks na pinagsama-sama lahat ng free download na nakita online (Ehem. Excuse me po π)
π© Huwag naman po kayong hihingi o bibili ng files na 1st to 4th Quarter π
Ang pagkatuto po ay parang pagkain--dahan-dahan lang. Portion by portion po yan. Baka po mabilaukan yung anak nyo π
π
π
π© Huwag pong magpanic buying ng mga nakikita online--wifi modem, laptops, gadgets, workbooks, printer. Grabe na ang presyo ng wifi modem at printer. Ang mga ito po ay mas kailangan po ng g**o upang madeliver ng maayos ang modules. Matindi po ang mark up ng presyo ng mga iyan ngayon. In demand kasi π
π© Wag mastress kung paano magtuturo sa inyong mga anak π Wag din po kayong mastress kung hindi nyo alam ang sagot sa tanong ng anak ninyo habang nag-aaral. πΆHuwag mahihiyang magtanong, Wala pong bayad ang sagot πΆ
π© This new normal is a shared responsibility of teachers and parents. Wag pasanin lahat, nandito po kami π Pero wag din iasa lahat sa amin, share po tayo. Lahat ng effort na ito ay PARA SA BATA.
π© Magbasa. Magbasa ulit at intindihin ang binasa. Magtanong sa tamang awtoridad bago po tayo mainis dahil sa classroom may batas π
π° This NEW NORMAL is a great challenge for everyone -- parents, teachers & learners. Let's love and support each other. π°
πππ