06/09/2026
BALITA || CAESI, Matagumpay na Ipinagdiwang ang Buwan ng Wika 2026
Ngiti ang namutawi sa mga mga mag-aaral, magulang, at g**o ng Capalonga Adventist Elementary School, Inc. (CAESI) matapos nilang matagumpay na ipagdiwang ang Buwan ng Wika 2026, noong ika-28 ng Agosto, araw ng Biyernes, sa loob mismo ng paaralan.
Ang nasabing programa ay sama-samang dinaluhan ng mga bibong mag-aaral mula sa Nursery at Kinder, Grade 1 at Grade 2, Grade 3 at Grade 4, at Grade 5 at Grade 6 kasama ang kanilang mga magulang.
Bilang bahagi ng programa, ang bawat baitang ay nagtanghal at nagpamalas ng kanilang mga talento sa pamamagitan ng pag-awit, pagsayaw, pagtula o balagtasan, at pagtugtog ng iba’t ibang instrumento tulad ng gitara, ukelele, lyre, at angklung.
Nagkaruon din ng paligsahan sa pag-awit ng mga awiting OPM o Original Pilipino Music, bilang pagbibigay pugay sa mga awiting Filipino at sa mga kantang likha ng Pinoy.
Naging sentro rin ng selebrasyon ang pagtalakay sa tema ng Buwan ng Wika 2026, kung saan binigyang diin ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) upang mas mapahalagahan at lumawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga Wikang Filipino sa makabagong panahon.
Bago natapos ang programa, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat ang Punong G**o ng paaralan na si G.Jesame Rey Ramirez para sa lahat ng dumalo—mga mag-aaral, mga magulang, mga g**o, at lalong-lalo na sa Panginoon na naging dahilan kung bakit naging matagumpay ang pagdaraos ng Buwan ng Wika.
Pagkatapos ng pang-wakas na panalangin, masayang pinagsaluhan ng mga CAESIANs ang mga pagkaing nakahain at inihanda ng bawat magulang para sa ngayo’y naging tradisyon na sa tuwing matatapos ang programa—ang Potluck.