03/08/2024
𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐍𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚! 🇵🇭
Tuwing Agosto ay itinataas natin ang bandila ng Pilipinas sa pagbubunyi ng buwan ng wika upang itaguyod ang ating wikang pambansa. Ngayong taon ay ipagdiwang natin ito alinsunod sa temang, "𝕱𝖎𝖑𝖎𝖕𝖎𝖓𝖔: 𝖂𝖎𝖐𝖆𝖓𝖌 𝕸𝖆𝖕𝖆𝖌𝖕𝖆𝖑𝖆𝖞𝖆"
Sa buwan ng Agosto, hinihikayat ang lahat ng mga mag-aaral ng Budlasan Elementary School Official na magsuot ng 𝗸𝗮𝘀𝘂𝗼𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 batay sa mga sumusunod:
Agosto 5 - Visayas
Agosto 12 - Mindanao
Agosto 19 - Luzon
Agosto 27 - ASEAN
Ipakita at bigyang pansin ang likas ng ating pagka-Pilipino sa pamamagitan ng iba't ibang kasuotan! 🎭🇵🇭