24/08/2026
Edukasyon noon at ngayon: Wika at AI, gabay ng mag-aaral na Pilipino!
Ipinagmamalaki ng Matagbak Elementary School ang makabuluhang pagdiriwang at pagtatapos ng Buwan ng Wika 2026 ngayong buwan ng Agosto.
Sa paggabay ng temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon", binigyang-diin natin ang kahalagahan ng paggamit sa sariling wika kasabay ng pag-unawa sa Artificial Intelligence upang mas mapalawak ang kaalaman, pananaliksik, at pagkatuto ng ating mga kabataan sa digital na mundo.
Maraming salamat, Matagbak ES community, sa inyong walang-sawang pakikiisa!