13/08/2026
πͺπ΅π―πΊ, πππππ
π ππ π«πππ¬π
ππππππππππ ππππ ππ π·π©π»πΊ 2026
Nakapasa sa isinagawang inspeksyon ng Department of Education (DepEd) ang Candon National High School (CNHS) matapos matugunan ang mga itinakdang pasilidad, kagamitan, at teknikal na pangangailangan para sa PISA-Based Test for Schools (PBTS) 2026 na gaganapin ngayong Setyembre.
Sinuri sa inspeksyon ang computer laboratory, internet connectivity, at iba pang kagamitang gagamitin sa pagsusulit na isasagawa gamit ang computer.
Pinangunahan ni Jade Raphael I. Feliciano, Technical Assistant II ng Monitoring and Evaluation Office ng DepEd Central Office, ang inspeksyon sa CNHS.
Kasama rin ang mga Education Program Supervisor ng Schools Division of Candon City na sina Connie Digay para sa English, Ma. Cecilia Mangay-ayam para sa Mathematics, Edgardo Pescador para sa Filipino, Jun Cortez para sa TLE, at Jose Valdez para sa Learning Resource Management Section.
Sinuri rin ang mga teknikal na pangangailangan ng paaralan para sa pagsasagawa ng pagsusulit, kabilang ang internet connectivity at mga kagamitang pangkompyuter. Batay sa pagsusuri, natugunan ng CNHS ang mga pangunahing pangangailangan para sa PBTS 2026.
Nagbigay si Feliciano ng mga paalala at mungkahi kaugnay ng pagsasagawa ng pagsusulit upang matiyak ang pagsunod sa mga itinakdang pamamaraan.
Ang PBTS ay isang pagsusulit na nakabatay sa Programme for International Student Assessment (PISA) at isinasagawa sa ilalim ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD).
Pinagtibay naman nina Schools Division Superintendent Gemma Q. Tacuycuy at Assistant Schools Division Superintendent Julius M. Jose ang pakikipagtulungan ng Schools Division of Candon City sa paghahanda ng CNHS para sa pagsusulit.
Isasagawa ang PBTS 2026 sa CNHS ngayong Setyembre.