13/08/2026
๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ๐ป ๐ก๐๐ฆ, ๐ฆ๐๐ผ. ๐ง๐ผ๐บ๐ฎ๐ ๐ก๐๐ฆ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐น๐ถ๐ฎ๐ป๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ฆ๐ ๐ง๐ฒ๐๐ ๐ฅ๐ฒ๐พ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ ๐๐ฎ๐๐๐ป๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐๐ป๐๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ
Handa at fully compliant na ang Candon National High School (CNHS) at Sto. Tomas National High School (STNHS) para sa gaganaping PISA-Based Test for Schools (PBTS) 2026, kasunod ng isinagawang pasilidad at teknikal na inspeksyon ng Department of Education (DepEd) Central Office at Schools Division Office ng Candon City, Agosto 13.
Ang dalawang paaralan ay kabilang sa 198 pampubliko at pribadong sekondaryang paaralan sa buong bansa na napili ng batay sa opisyal na datos ng DepEd upang sumailalim sa pandaigdigang pagtatasa.
Bumisita si Jade Raphael I. Feliciano, Technical Assistant II ng Monitoring and Evaluation Office ng DepEd Central Office, sa dalawang paaralan upang suriin ang kanilang kahandaan para sa nasabing pandaigdigang pagsusuri.
Samantala, pinagtibay naman ng mga opisyal ng Deped Candon City Division sa pangunguna nina Schools Division Superintendent Gemma Q. Tacuycuy at Julius M. Jose, Assistant Schools Division Superintendent na makikiisa at makkipagtulungan upang tiyaking handa ang dalawang paaralang napili para sa PISA-Based Test.
Kasama ni Feliciano sa inspeksyon ang mga Education Program Supervisor ng Schools Division of Candon City na sina Maria Concepcion Digay, EPS sa English; Ma. Cecilia Mangay-ayam,EPS sa Mathematics; Edgardo Pescador, EPS sa Filipino; Jun Cortez, EPS sa TLE at Jose Valdez, EPS sa Learning Resource Management Section.
Layunin ng pagbisita na matiyak ang kahandaan ng pasilidad ng paaralan particular ang computer laboratory, internet connection at mga kagamitang gagamitin sa computer-based assessment upang matiyak na magiging maayos at organisado ang pagsasagawa nito.
Sa isinagawang inspeksyon, natukoy na natugunan ng CNHS at STNHS ang mga pangunahing requirements para sa PBTS 2026, kabilang ang mga kinakailangang pasilidad, computer laboratory, internet connectivity, at iba pang kagamitang kailangan para sa computer-based assessment.
Samantala, binigyang-diin ni SDS Gemma Q.Tacuycuy ang mga kinakailangang paghahanda at iba pang mahahalagang aspeto upang masig**o na magiging maayos at organisado ang nalalapit na gawain sa PISA.
Nagbigay din nga mga paalala at suhestyon si Feliciano bilang bahagi ng paghahanda.
Ayon sa mga opisyal ng Deped Candon City Division, mahalaga ang inspeksyon upang matiyak na naaayon sa itinakdang pamantayan ang mga paaralang lalahok sa pagsusulit na pinangangasiwaan ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD).
Sa matagumpay na resulta ng inspeksyon, kapwa kinumpirma ng DepEd at mga opisyal ng Schools Division of Candon City na nakahanda na ang Candon National High School at Sto. Tomas National High School para sa PBTS 2026 ngayong Setyembre.
Inaasahang magiging daan ang kanilang paglahok upang higit na maipakita ang kalidad ng edukasyon sa lungsod at makapagbigay ng mahalagang datos para sa patuloy na pagpapabuti ng sistema ng pagkatuto ng mga mag-aaral.