19/08/2026
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐ป๐ผ๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐น ๐. ๐ค๐๐ฒ๐๐ผ๐ป | ๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ ๐ญ๐ต, ๐ญ๐ด๐ณ๐ด๐ต๐ญ
โ๐ ๐ฌ๐๐ฃ๐ฉ ๐ค๐ช๐ง ๐ฅ๐๐ค๐ฅ๐ก๐ ๐ฉ๐ค ๐๐ ๐ก๐๐ ๐ ๐ ๐ข๐ค๐ก๐๐ซ๐ ๐ฉ๐ง๐๐, ๐จ๐ฉ๐ง๐ค๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ง๐๐จ๐๐ก๐๐๐ฃ๐ฉ, ๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐ค๐ฃ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ก๐ก๐จ๐๐๐, ๐ช๐ฃ๐๐๐ง๐๐๐ ๐ค๐ ๐ฉ๐๐ ๐ง๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐๐, ๐ก๐๐๐๐ฉ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ ๐จ๐ฉ๐ค๐ง๐ข, ๐๐ค๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ๐ฉ ๐ค๐ ๐๐ฉ๐จ ๐จ๐ฉ๐ง๐๐ฃ๐๐ฉ๐.โ - ๐๐๐ฃ๐ช๐๐ก ๐๐ช๐๐ฏ๐ค๐ฃ
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐ป๐ผ๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐น ๐. ๐ค๐๐ฒ๐๐ผ๐ป | ๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ ๐ญ๐ต, ๐ญ๐ด๐ณ๐ด
Ngayong ika-๐ญ๐ฐ๐ด na kaarawan ng pigura sa likod ng tagumpay ng wikang Filipino, sariwain natin ang mga naging ambag at makulay na buhay ni G. Manuel Quezon. ๐ต๐ญ
Si Quezon ay ipinanganak noong ika-๐ญ๐ต ng ๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ taong ๐ญ๐ด๐ณ๐ด sa Baler, Aurora at isa sa mga prominenteng muka sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong 1935, naglingkod siya sa Pilipinas bilang ikalawang Presidente ng bansa, sumunod kay Emilio Aguinaldo. Siya rin ang unang presidente ng konstitusyong Commonwealth ng Pilipinas. Isa si Quezon sa nagsulong upang makamit ng Pilipinas ang ganap na Soberanya mula sa Estados Unidos. Nanguna siya sa pagbalangkas ng ๐๐ผ๐ป๐ฒ๐ ๐๐ฎ๐ noong 1916 at ๐ง๐๐ฑ๐ถ๐ป๐ด๐-๐ ๐ฐ๐๐๐ณ๐ณ๐ถ๐ฒ ๐๐ฐ๐ noong 1934โmga legal na basehang bumuo sa Commonwealth, at kalaunay nagbigay sa Pilipinas ng kalayaan mula sa Amerika. Bukod pa rito, kinilala rin si Quezon bilang ๐ผ๐ข๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐๐ฃ๐จ๐ matapos italaga ang Tagalog bilang basehan ng wikang pambansa ng Pilipinas, muka na rin ng sari-saring wika at dayalektong nagpapayaman sa ating mga rehiyon. Sa panahon din ni Quezon, naipamalas ang kanyang pagka-malasakit nang buksan niya ang Pilipinas upang tanggapin ang ilang daang Europeyong Hudyo na tumatakas mula sa atrosidad ng mga Aleman nung ikalawang digmaang pandaigdigan.
Sa kasalukuyan, bahagi ng pag-alala natin sa mga ambag ni Quezon ang pagdiriwang sa ika-๐ญ๐ต ng ๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ bilang kaniyang arawโsa bisa na rin ng ๐ฅ๐ ๐ก๐ผ. ๐ฒ๐ณ๐ฐ๐ญ na nagde-deklara sa araw na ito bilang special working Holiday sa Pilipinas. Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang upang alalahanin ang kaniyang kapanganakan o sariwain ang kaniyang mga dakilang gawa. Isa itong pagpapa-alala ng layo ng ating tinakbo at tatakbuhin pa palayo sa mga atrosidad ng nakaraang nagbabagong porma lamang sa kasalukuyan. Isa itong paalala ng mga sakripisyong nagawa na natin upang maging malaya at huminga sa paraang nagagawa natin ngayon. Isang tagubilin na ang kayamanang iniwan sa atin ni Quezon, at ng iba pa ay dapat nating panghawakan at ingatan. Ang kayamanang iyon ay ๐ ๐๐ก๐๐ฎ๐๐๐ฃ. โ๐ปโจ
โ๐ป: Hanna Katrina A. Landicho | Harvey G. Amoyan
๐ป: Mae Marion C. Balajadia