12/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐.๐ ๐๐๐๐๐๐
GUMACA, QUEZON โ Umarangkada si Sean Paulo Aguilar ng Candelaria sa siyam na round ng Chess Elementary Boys sa Palarong Quezon 2026, matapos magtala ng 5.5 puntos at makamit ang ika-16 na puwesto sa hanay ng 61 manlalaro.
Agad nagpakawala ng tikas si Aguilar sa unang dalawang round matapos pataubin ang mga kinatawan ng Calauag at Mulanay. Hindi naman naging pabor sa kanya ang ikatlong round nang mapasuko siya sa kamay ng Lopez.
Bumawi si Aguilar sa sumunod na dalawang round nang muling makatikim ng panalo kontra Pagbilao at Tagkawayan, bago muling makaranas ng kabiguan laban sa Gumaca sa ikaanim na round.
Sa ikapitong round, muling nagpakita ng tapang ang pambato ng Candelaria matapos pataubin ang Real. Nauwi naman sa tabla ang kanyang ikalawang salpukan kontra Mulanay sa ikawalong round.
Sa huling round, kapos man sa panalo laban sa Sariaya, nakabuo pa rin si Aguilar ng 5.5 puntos mula sa siyam na laban.
Para sa kanyang tagapagsanay na si Sir Rovel Banjo Maragaรฑas, malaking bagay sa naging resulta ni Sean ang pagiging kalmado at maingat nito sa bawat laro.
โ๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐ก๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐ ๐๐๐ค๐๐ก ๐๐๐๐๐ค ๐๐๐ฆ๐. ๐พ๐โ๐๐ก ๐๐๐๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐ ๐ข๐๐ ๐ฆ๐ข๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐ ๐๐ฆ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ก โ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐ข๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐ข๐ ๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ค ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐ฆ๐ ๐๐ข๐๐๐ค๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐ฆ๐๐. ๐๐๐๐ข๐๐ ๐ฆ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ข๐ ๐๐ก ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ก ๐๐๐ฆ๐ ๐ก๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐โ๐๐๐๐ ๐๐ข๐๐ ๐๐๐๐๐ก ๐๐๐๐ขโ๐ ๐๐๐ฆ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ฆ๐๐๐ ๐๐ข๐๐ก๐๐ ,โ ani Maragaรฑas
Sa kabuuan, nagtala si Aguilar ng limang panalo, tatlong talo, at isang tabla, bitbit ang karanasang nakuha sa bawat galaw ng piyesa at bawat laban sa torneo.