DepEd Tayo Pahinga Norte Elementary School-Quezon
The official page of Pahinga Norte Elementary School
22/04/2026
Happy Birthday, Maβam Alodia! ππ
May your birthday be as amazing as you are, filled with love, laughter, and countless blessings. Cheers to more years of success and happiness! πβ¨
22/04/2026
Happy Birthday, Maβam Kat! ππ
Your leadership as our Head Teacher III continues to inspire us every day. Thank you for your guidance, dedication, and unwavering support to both teachers and learners.
Wishing you more success, good health, and happiness in all that you do. May your special day be as amazing and beautiful as you are! π
Love,
Your PNES Family
08/04/2026
Kaisa ng sambayanan ang Kagawaran ng Edukasyon sa paggunita ng ika-84 Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9. π΅π
Kasabay nito, ipinagdiriwang din ng bansa ang Philippine Veterans Week. Hangad natin na magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang kagitingan at kabayanihan ng ating mga Pilipinong beterano na nagbahagi ng kanilang serbisyo para sa kasarinlan ng ating bansa.
05/04/2026
LINGGO NG PAGKABUHAY
Sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay, ating ginugunita ang muling pagkabuhay ni Hesus Kristo βisang makabuluhang paalala ng tagumpay ng buhay laban sa kamatayan at ng pag-asa sa bawat bagong simula.
Nawaβy magsilbing inspirasyon sa ating lahat ang mensaheng ito upang patuloy na magtiwala, magmahal, at manampalataya sa gitna ng anumang pagsubok.
Maligayang Linggo ng Pagkabuhay! π
05/04/2026
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay, Ka-DepEd! β€οΈπ
Ngayong araw, ipinagdiriwang ng ating mga kapatid na Kristiyano ang muling pagkabuhay ni Hesus, isang simbolo ng pag-asa, tagumpay ng kabutihan, at panibagong buhay.
Nawaβy magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang muling sumibol sa ating mga puso ang pag-asa, pagmamahal, at pananampalataya.
AWIT NG NAGSIPAGTAPOS 2/2
30/03/2026
ππππ πππΌπΏππΌππππ 2026 π
Sa temang βPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao,β matagumpay na ipinagdiwang ng Pahinga Norte Elementary School ang pagtatapos ng Batch 2026.
Sa pangunguna nina Doc. Cynthia J. Reyroso, Principal III, Doc. Anna Kathrina C. Ceria, Head Teacher III, at Doc. Jaime D. Macatangay Jr., Head Teacher III, naging makabuluhan ang nasabing okasyon na puno ng inspirasyon at tagumpay.
Isang karangalan ang presensya ng panauhing pandangal na si Angelica S. Escanilla, R.Agr, na nagbahagi ng mensaheng nagpapaalala na ang tunay na lider na Pilipino ay hindi lamang magaling at mahusay, kundi may matibay na pananampalataya sa Diyos.
Hindi lamang ito pagtatapos, kundi simula ng panibagong yugto para sa ating mga mag-aaral bilang mga handang mamuno at maglingkod sa bayan.
Congratulations, Batch 2026!
Padayon sa pangarap!
AWIT NG NAGSIPAGTAPOS
29/03/2026
Simulan ang bagong linggo nang may pusong puno ng pag-asa at pananalig.
Sa paglalakbay natin sa Mahal na Araw, nawaβy magsilbi itong panahon ng taimtim na pagninilay upang linisin ang puso, patatagin ang pananampalataya, at muling tahakin ang landas ng kabutihan. πβ€οΈ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
Pahinga Norte
Candelaria
4323