03/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐!
Ngayong buwan ng Agosto, ang President Ramon Magsaysay State University (PRMSU) ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ Ang pagdiriwang na ito ay isinasagawa tuwing Agosto alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, na nagtatakda sa buwan bilang panahon ng pagpapahalaga at pagsusulong sa wikang Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas.
Layunin ng pagdiriwang na higit na mapahalagahan, maipagmalaki, at maisulong ang wikang Filipino, gayundin ang iba pang katutubong wika ng bansa, bilang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan. Higit pa rito, nagsisilbi rin itong pagkakataon upang gunitain ang kasaysayan ng ating wika at kilalanin ang mayamang kultura, tradisyon, at paniniwalang bumubuo sa ating pambansang identidad.
Sa taong ito, kinikilala ng tema ang mahalagang papel ng wikang Filipino sa makabagong panahon, lalo na sa responsableng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) bilang kasangkapan sa pananaliksik at pagpapalawak ng kaalaman. Binibigyang-diin nito na ang makabagong teknolohiya ay dapat magsilbing katuwang sa paglikha, pagbahagi, at pagpapayaman ng impormasyon habang patuloy na itinataguyod ang paggamit ng wikang Filipino sa mga gawaing akademiko, siyentipiko, at pananaliksik para sa pambansang kaunlaran.
Kasabay nito, itinatampok ng tema ang kahalagahan ng etikal at responsableng paggamit ng AI, kasabay ng pagpapanatili sa mahalagang gampanin ng wikang Filipino sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Pinagtitibay nito ang paniniwalang ang makabagong inobasyon at ang ating pambansang wika ay maaaring magsanib upang higit na mapalawak ang akses sa kaalaman at makapag-ambag sa pag-unlad ng lipunan.
Sa pakikiisa ng PRMSU sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, muling pinagtitibay ng pamantasan ang matatag nitong paninindigan sa pagtataguyod ng nasyonalismo, pagkamakabayan, at pagmamahal sa wikang Filipino. Nawa'y magsilbi ang pagdiriwang na ito bilang inspirasyon sa bawat Ramonian upang patuloy na pahalagahan, gamitin, at isulong ang ating pambansang wika bilang sagisag ng ating pagkakaisa, kultura, at pagkatao.
โ&๐จ: Lee Gerard D. Santos, PRMSU Information Office