07/08/2026
Batay sa 8:00 AM Heavy Rainfall Advisory ng PAGASA at Quezon PDRRMO, at sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) dahil sa Habagat at umiiral na Yellow Rainfall Warning sa Candelaria, Quezon, ipinapatupad ang mga sumusunod epektibo ngayong 12:00 NG TANGHALI (Agosto 7, 2026):
1. BASIC EDUCATION AT ALS (Public & Private):
SUSPENDIDO ang lahat ng in-person at online classes mula Preschool hanggang Senior High School, pati na rin sa Alternative Learning System (ALS).
2. TERTIARY / COLLEGE LEVEL:
SHIFT TO ASYNCHRONOUS LEARNING MODES simula 12:00 ng tanghali para sa lahat ng pamantasan at kolehiyo.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng PAGASA, Quezon PDRRMO, at ng Pamahalaang Bayan ng Candelaria para sa mga susunod pang update.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pag-iingat. Mag-ingat po tayong lahat.
Mayor Ogie Suayan
Vice Mayor Boyong Boongaling
Sangguniang Bayan, Candelaria, Quezon