23/08/2026
π‘οΈ NATIONWIDE SIMULTANEOUS SCHOOL SAFETY DRILL 2026 π‘οΈ
βManatiling Kalmado. Manatiling Handa. Manatiling Ligtas.β
Ang Talang Elementary School ay makikilahok sa isasagawang Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents ngayong Agosto 25, 2026 (Martes), eksaktong alas-9:00 ng umaga, alinsunod sa inalabas na kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon.
Layunin ng gawaing ito na palakasin ang kahandaan at wastong pagtugon ng ating mga mag-aaral, g**o, kawani, at mga katuwang ng paaralan sa isang simulated active attack o lockdown situation.
π’ PAALALA SA MGA MAGULANG AT KOMUNIDAD:
Ito ay SIMULASYON LAMANG at HINDI TOTOONG EMERGENCY. Kung makarinig o makakita ng mga aktibidad na may kaugnayan sa lockdown drill sa itinakdang oras, mangyaring manatiling kalmado at huwag mag-panic.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, paghahanda, at tamang kaalaman, makatutulong tayo sa pagbuo ng mas ligtas, handa, at matatag na paaralan at komunidad.
π§ MANATILING KALMADO.
π MANATILING HANDA.
π‘οΈ MANATILING LIGTAS.
School Head : Sir Felipe C. Sagum
PSDS : Sir Constancio L. Rodriguez
πΈ: Ctto