BSED FIL 4A

Directions

BSED FIL 4A Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BSED FIL 4A, College & University, Candaba.

Maalab na pagbati, BSED FILIPINO 4A!πŸŽ“πŸ©΅
17/09/2026

Maalab na pagbati, BSED FILIPINO 4A!πŸŽ“πŸ©΅

YOHOOO! DITO ANG TINGIN!🀣1.2.3. KANYA-KANYA NA!πŸƒπŸ»β€β™€οΈBYAHENG GRADUATION kasama si Tatay Magellan!β›΅ Pandemya noong SHS.Bah...
10/08/2026

YOHOOO! DITO ANG TINGIN!🀣
1.2.3. KANYA-KANYA NA!πŸƒπŸ»β€β™€οΈ

BYAHENG GRADUATION kasama si Tatay Magellan!β›΅

Pandemya noong SHS.
Baha ngayong kolehiyo.

Atecco, gusto lang naman naming magsuot ng toga. πŸ˜­πŸ˜‚

At kahit ilang beses kaming paghintayin ng panahon, hindi nito mababago ang katotohanang...SANAY KAMI MAGHINTAY!🫢🏻

BSED FILIPINO – 4A, malapit na!πŸŽ“πŸ’™

"Handa na kaming maging g**o, para sa Diyos, para sa Bata, at para sa Bayan.β€πŸ‘©πŸ»β€πŸ«πŸ‘¨πŸ»β€πŸ«Sa kabila ng mga gabing puno ng pag...
19/08/2025

"Handa na kaming maging g**o, para sa Diyos, para sa Bata, at para sa Bayan.β€πŸ‘©πŸ»β€πŸ«πŸ‘¨πŸ»β€πŸ«

Sa kabila ng mga gabing puno ng pagod, mga sandaling halos suko na, at mga hamong muntik nang bumigo, hindi kami sumuko. Aming pinagtitibay ang panata, handa na kaming magturo, gumabay, at magsilbing ilaw ng kinabukasan. Isang bagong yugto, isang simulang tatahakin ang landas ng pagiging g**o.βœ¨πŸ‘©πŸ»β€πŸ«πŸ‘¨πŸ»β€πŸ«

Maalab na Pagbati!❀️
Batsilyer ng Pansekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino

Isang pagpupugay sa mga mag-aaral na hindi natinag sa hamon ng ikatlong taon! Sa bawat pahina ng akademikong paglalakbay...
06/06/2025

Isang pagpupugay sa mga mag-aaral na hindi natinag sa hamon ng ikatlong taon! Sa bawat pahina ng akademikong paglalakbay, ipinamalas ang tibay ng loob, talino, at malasakit sa kursong pinili. Ngayon ay binibigyang pagkilala, baunin ang karanasang huhubog sa bawat isa bilang mas matatag na g**o ng hinaharap. Ang sertipikong ito ay patunay ng sakripisyo, pagpupursigi, walang kapantay na dedikasyon at paglaban sa mga pagsubok. Isang maalab na pagbati Batsilyer ng Pangsekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino.πŸ’™

Ngayon, ay sasakay na sa bagong yugto ng paglalakbay, BYAHENG IKAAPAT NA TAON. Panibagong kabanata, mas maraming hamon, ngunit mas buo na ang pangarap. Huwag kalimutan ang bawat aral at alaala sa ikatlong taon na magsisilbing gabay sa mas makulay na paglalakbay patungo sa inaasam na pagtatapos. Sama-samang harapin ang bagong landas, dala ang pagiging tunay na iskolar para sa bayan.

Tara na? Sakay na tayo, byaheng 4th Year na. πŸšŒπŸ‘©πŸ»β€πŸ«πŸ‘¨πŸ»β€πŸ«

MANIFESTING RESEARCH DEFENDED! πŸ“–πŸ€Laban pa,Laban lang, Laban lagi!🀍We humbly ask for your guidance as we face our final d...
22/05/2025

MANIFESTING RESEARCH DEFENDED! πŸ“–πŸ€

Laban pa,
Laban lang,
Laban lagi!🀍

We humbly ask for your guidance as we face our final defense. Please pray for clarity of mind, confidence in speaking and strength to present all our hardwork with calmness and grace.
May God guide our thoughts, words and hearts as we defend the knowledge we've gained through this journey. AMEN!
-BSED FIL 3A

Paghahangad ng isang  matagumpay na Research Proposal Defense β€” sa bawat oras ng pagpupunyagi, sa bawat gabing hindi ini...
17/03/2025

Paghahangad ng isang matagumpay na Research Proposal Defense β€” sa bawat oras ng pagpupunyagi, sa bawat gabing hindi iniinda ang pagtulog , at sa bawat masusing pagsusuri ng mga datos ay humantong na tayo sa sandaling ito. Handa nang ipakita ang aming mga natuklasan nang may kumpiyansa at kalinawan, dahil ito ay simula pa lamang ng isang magandang akademikong hinaharap para sa aming mga pangarap. πŸ’—βœ¨

β€œFear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, In will help you, I will uphold you with my righteous right hand.”

-Isaiah 41:10

Kaya, kakayanin at kayang kaya, BSED FILIPINO - 3A!🫢🏻

Padayon mga G**o sa hinaharap!πŸ§‘β€πŸ«

"Ang tagumpay ay hindi basta-basta ibinibigay, ito ay kailangan mong paghirapan."Malugod naming ipinakikilala ang mga ma...
13/01/2025

"Ang tagumpay ay hindi basta-basta ibinibigay, ito ay kailangan mong paghirapan."

Malugod naming ipinakikilala ang mga mag-aaral na matagumpay na natapos ang unang semestre ng taong panuruan 2024-2025 mula sa mga mag-aaral ng Batsilyer ng Sekondaryong Edukasyon Mayorya sa Filipino-3A. Nawa'y patuloy niyo pang paalabin ang wika ng ating pagkakakilanlan.❀️

Ang unang semestre na ito ay isang laban na napakahirap kumpara sa mga nagdaang semestre ngunit ito'y ating nakayanan dahil sa ating mga tiwala sa sarili, sa tulong ng mga magulang, kaibigan at mga g**o dahil dito nagbunga ang ating paghihirap. Ang parangal na ito nagsisilbing daan upang unti-unti nating makamit ang ating pangarap.

Sulit na sulit ang pagod at puyat dahil natapos ng matiwasay ang unang semestre kaya patuloy tayong lumaban dahil isang SEM na lang 4th year na tayo.

Pagbati sa lahat ng BSED FILIPINO 3A!
Nawa'y ipagpatuloy ng bawat isa ang pagsusumikap at pagtitiyaga upang maabot ang ating mga pangarap. PADAYON!β€οΈπŸ§‘β€πŸ«

β€œIgalang ang kababaihan, Wakasan ang Karahasan”!Ang aming pangkat ay buong pusong nakiisa sa 18-Day Campaign to End Viol...
26/11/2024

β€œIgalang ang kababaihan, Wakasan ang Karahasan”!

Ang aming pangkat ay buong pusong nakiisa sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children. Sama-sama nating itaguyod ang isang lipunang ligtas, makatarungan, at may paggalang para sa kababaihan at kabataan. Naninindigan ako, ikaw, sila, tayo laban sa lahat ng uri ng karahasan, pang-aabuso, at diskriminasyon. Huwag tayong magbulag-bulagan, ang pagbabago ay magsisimula sa ating pagkilos. Wakasan ang karahasan, ngayon na! Sama-sama para sa dignidad, respeto, at pagkakapantay-pantay!πŸ‘©πŸΌ





Isang taos-pusong pagbati at pagkilala sa ating mga kamag-aral na nagtamo ng mataas na marka sa kanilang panggitnang pag...
24/10/2024

Isang taos-pusong pagbati at pagkilala sa ating mga kamag-aral na nagtamo ng mataas na marka sa kanilang panggitnang pagsusulit na ginanap noong Oktubre 5-11, 2024! Ang inyong sipag, dedikasyon, at determinasyon ay tunay na kahanga-hanga. Hindi matatawaran ang inyong pagsusumikap na paghusayin ang inyong sarili at tugunan ang mga hamon ng pag-aaral.❀️

Ang inyong mga tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa inyong mga kaklase, kundi pati na rin sa aming lahat. Nawa’y patuloy ninyong yakapin ang mga oportunidad na magpapatibay sa inyong kaalaman at kakayahan, habang patuloy na nagiging halimbawa ng dedikasyon at kasipagan.❀️

Sama-sama tayong magpatuloy sa pag-abot ng mas mataas na pangarap at tagumpay. Mas lalo pa nating taasan ang ating mga kamay upang sa gayon maabot natin ang mga pangarap na magdadala sa ating magandang kinabukasan at tagumpay ng bawat isa!❀️

05/10/2024

❀️

Address

Candaba

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BSED FIL 4A posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share