23/03/2026
๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ | Missed the reveal?
Donโt worryโwe saved you a front-row seat.
Here are the six new documentaries for this yearโs Sine-Sulong College-Level Screening, brought to life with the Sine-Sulong Theme Song.
๐ฌ See you on April 17, 2026 at the Farmers Training Center.
๐๐๐ฅ๐-๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ | 10:00AM - 10:25AM | FTC
โAng buhay ay hiram lamang mula sa maykapal.โ Kung mayroon mang lubos na nakauunawa sa pahayag na ito, ito ang mga taong dalawang beses kada linggo kung sumalang sa aparato. Ang bawat pagsalang sa aparato ay hindi simpleng pagsala lamang ng dugo, itoโy nangangahulugang pagsiklo rin ng buhay at patuloy na pag-iral sa iilan. Sa bawat pagsalang, ang aparato ay tila halimaw na umuubos ng lakas at diwa. Ngunit paano kung ang halimaw na ito, ay siya ring pantubos sa hiram na buhay mula sa mas madilim na halimaw ng kamatayan?
๐๐ฎ๐ค๐๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐๐ฒ๐ | 10:55AM - 11:20AM | FTC
Biyaya, iyan ang tawag sa mga bagay na natatanggap ng tao na hindi laging pinaghihirapan o inaasahan, ngunit may malalim na kahulugan at halaga. Sa maingay at magulong siyudad ng Tarlac, may mga indibidwal na matiyagang naghahagilap ng kung ano mula sa tumpok ng mga basura. Biyaya kung kanila itong ituring, ngunit biyaya nga ba itong maituturing kung maging ang itinapon na ng iba, ay paghihirapan pa bago maihapag sa mesa? Kapag ang pagpili ay nasa pagitan ng gutom o panlaman- tiyanโalin ang mas kaya mong sikmurain: ang tira-tira o ang wala? Sa dokumentaryong ito matutunghayan natin kung paanong ang basura ng iba ay nagiging isang sukdulang biyaya sa iilan.
๐๐ ๐๐๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ง | 11:50AM -12:15PM | FTC
G**o, doktor, o narsโmarahil ito ang iyong tugon nang una kang tanungin: โAno ang pangarap mo paglaki?โ Bata pa lamang, hinubog na tayong mangarap. Sabi nga, ang edukasyon ay isang pamanang hindi mananakaw ninuman. Ngunit paano kung maging ang natitirang pag-asang ito ay tila ikinakait ng isang kawatang sistema?
Sa likod ng nakabibinging ingay ng paaralan, may mga munting tinig na walang pangalanโwala sa talaan. Sa gitna ng mga matatayog na pangarap, may mga iilang umuusal, nangangarap na mapabilang sa listahan. Ano kaya ang una nilang matutupad, ang pinakaaasam na maitala o matutunang bitawan ang pangarap at pag-asa? Hanggang kailan kaya mangangarap ang mga anghel sa labas ng talaan?
๐๐จ๐ฌ ๐๐จ๐ซ ๐๐จ๐ฌ | 1:15PM -1:40PM | FTC
Bente, tayaโbente, balik. Sa bawat tawag ng numero, may pag-asang sumasabay sa pintig ng dibdib. Sa isang lipunan na kapos sa oportunidad, ang ganitong laro ay nagiging sandaling pahinga, at minsan, huling kapit sa pangarap na makaahon. Ngunit habang umiikot ang tsamba, may mga hangganang unti-unting nawawalaโang pagitan ng aliw at pangangailangan, ng pagpili at pagkalulong. Sa bawat panalo, may kapalit na hindi agad nakikita. At sa dulo, hindi lahat ng natalo ay pera... kundi ang sarili na unti-unting nawala sa pagkasakim sa paulit-ulit na pagtaya
๐๐จ๐ฅ๐จ๐ซ๐๐ญ๐ | 2:10PM - 2:35PM | FTC
Lahat ng bagay ay lumilipas, maging ang buhay ng tao. Ngunit, naisip mo ba, ano kaya ang itsura mo kapag pumantay na ang iyong mga paa? Tiyak, ang nais mo ay maging disente at maayos ka sa huling larawan na maipipinta sa gunita ng mga mahal mo sa buhay. Totoong walang nakapaghahahanda sa kamatayan. Ngunit sa pagitan ng buhay at pagpanaw, may mga taong tahimik na naghahanda sa huling hantungan ng iba. Sa likod ng bawat taimtim at magarbong seremonya, may mga tungkuling madalas iniiwasan, ni ayaw pag-usapan at hindi nais maunawaan ng karamihan. Ngunit sa lipunang itinatatwa sila, sino ang magtitiyak na sila ay may dignidad at kaligtasanโฆ lalo na kung ang huling pangangalaga ay nakaatang sa kanila?
๐๐๐ญ๐จ๐ฅ | 3:05PM - 3:30PM | FTC
Sa loob ng selda, ang oras ay parang tubig na tumutuloโhindi napapansin, pero unti-unting inuubos ang lahat. Mga pag-asang pilit na hinaharangan ng sistemang tila makapal na pader, at mga pangarap na dahan-dahang kinakalawang sa mahabang paghihintay. Sa bawat araw na pareho ang mukha, ang pagbangon ay tila laban na walang kalaban... isang tahimik na pakikibaka na walang kasiguraduhan kung kailan matatapos. Habang sa labas ay umaandar ang mundo, sa loob ay nakatigil ang buhayโnakasabit sa pagitan ng pag-asa at pagkasira. At sa dulo, ang hustisya ay dumarating na parang ilaw na huli nang sumindiโnoong wala nang makakakita.
TARA NA... SINE-SULONG NA!
Like and follow www.facebook.com/TAU.SineSulong for the latest ticket sales updates and announcements.