12/08/2026
๐ฅ๐๐ฃ๐ข๐ฆ๐ง:
๐๐ก๐๐ข๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐๐ฆ | TAUians: PAXilip nga?
Sa planong pagtatayo ng Pax Silica initiative sa New Clark City sa Capas, Tarlac, isang usaping pandaigdig ukol sa artificial intelligence at semiconductor industry ang unti-unting nagiging lokal na usapin, kabilang ang mga mag-aaral ng Tarlac Agricultural University.
Sa isinagawang sarbey ng TAU - The Golden Harvest nitong ika-10 ng Agosto, lumabas na halos tutol sa inisyatiba ang mga nakilahok na TAUians. Siyam (9) sa sampung (10) mag-aaral ng TAU ang โdi pabor sa nasabing proyekto. Hindi lamang sa pagkaubos ng yaman ng bansa ang idiniin na dahilan, kundi pati ang posibleng pagkawala ng tirahan at hanapbuhay ng mga lokal.
Subalit, kamakailan lamang ay nilinaw ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na ang planong Pax Silica development sa naturang lugar ay pangunahing nakatuon sa high-value manufacturing, partikular sa semiconductor at advanced technology industries, sa halip na maging isang malaking data-center hub.
Gayunman, hindi nito tuluyang inaalis ang mga usapin sa paggamit ng tubig at enerhiya, environmental safeguards, at posibleng epekto sa agrikultura at mga komunidad na nakapaligid sa proyekto.
Sa harap ng mga benepisyong inihahain at mga pangambang iniuugnay sa proyekto, mahalagang malaman kung ano ang tunay na nakapaloob dito.
Kaya Pax Silica, PAXilip nga?
๐ John Llyod Agustin
๐ป๐จ Rence Duran