30/11/2025
Ika-7 ng Hulyo nang maitatag nina Andres Bonifacio ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (K*K). Siya ang kinilalang supremo ng Katipunan, ang radikal na samahang naglunsad ng Himagsikan 1896. Ito ang natatanging samahan na nakapaglunsad ng isang organisado at malawakang paghihimagsik laban sa pamahalaang Espanyol at naging daan sa matagumpay na paglaya ng Pilipinas mula sa pananakop ng Espanya.
Ngayong ika-30 ng Nobyembre ang kaarawan at araw ng paggunita sa buhay at kontribusyon ni Andres Bonifacio para sa Pilipinas. Tunay ngang dalisay ang pagmamahal na inialay niya para sa bayan at lumaban upang makamit ang kalayaan nito. Bilang pagpupugay at paggunita sa kaniyang sakripisyo, sama-sama nating ipagdiwang ang araw na ito at ating alalahanin na ang tunay na tagumpay ay nagmumula sa pagkakaisa ng taumbayan upang makamit ito.
✍🏻: Luzsie Santiago
🎨: Jemalyn Inopia at Betlehem Comiles