19/08/2026
CAYASAN JOURNOS, UMARANGKADA SA DISTRICT JOURNALISM CLINIC
Ipinamalas ng mga batang mamamahayag ng Cayasan Elementary School ang kanilang husay at talento sa pamamahayag sa ginanap na Camiling West District Journalism Clinic noong Agosto 11–13, 2026.
Sa isinagawang pagsasanay at kompetisyon, nakamit ng Cayasan Campus Journos ang mga sumusunod na pagkilala:
🥉 3rd Place – Feature Writing (Filipino)
Vanessa A. Corpuz
Coach: Rheia Q. Tangonan
🏅 7th Place – Editorial Cartooning (English)
Jeah Kamille P. Castro
Coach: Racquel C. Alcala
🏅 7th Place – News Writing (Filipino)
Abrielle Zhad R. Natividad
Coach: Rica Delle C. Bodiongan
Dahil sa kanilang mahusay na pagganap, ang tatlong mag-aaral ay lalahok sa Municipal Schools Press Conference sa Agosto 29, 2026, kung saan muli nilang kakatawanin ang Cayasan Elementary School at ang Camiling West District.
Kinikilala rin ang pagsisikap nina Terhenz Dale S. Gajes sa Editorial Cartooning–Filipino, sa paggabay ni Ma'am Racquel C. Alcala, at Zhyrhaine P. Tomas sa Sports Writing–Filipino, sa paggabay ni Sir Jhonar D. Biserra. Bagama’t hindi nakapasok sa mga nangunang puwesto, ang kanilang karanasan ay mahalagang bahagi ng paghahanda para sa mga susunod pang hamon.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng husay, tiyaga, at dedikasyon ng ating mga batang mamamahayag, sa patuloy na paggabay ng kanilang journalism coaches at sa buong suporta at pamumuno ni School Head Sir Daryl Carlo N. De Mayo sa pagsusulong ng campus journalism sa Cayasan ES.
Maliit man ang komunidad, hindi maliit ang talento. Kayang-kaya ng Cayasan!
To God be the glory!