19/04/2026
π§ππ‘ππ‘ππ‘ | Sine-Sulong nagbukas para sa college-level screening, tampok 6 na dokumentaryo
Pormal nang binuksan ng Department of Development Communication ng Tarlac Agricultural University ang ikaapat na edisyon ng College-Wide Sine-Sulong, tampok ang mga bagong dokumentaryong tumatalakay sa iba't ibang isyung panlipunan, sa Farmers Training Center noong Abril 17.
Ibinida ngayong taon ang anim na bagong dokumentaryo na likha ng mga second-year Bachelor of Science in Development Communication (BSDC) students.
Tampok sa pang-umagang sesyon ang "Sala-Salang Buhay," na tumatalakay sa hirap ng mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis; ang "Sukdulang Biyaya," na sumasalamin sa realidad ng pagkain ng pagpag; at ang "Sa Labas ng Talaan," na nagbibigay-boses sa mga batang hindi rehistrado.
Sinundan ito ng mga panghapong palabas, kabilang ang mga obrang "Dos por Dos," na naglalantad sa mundo ng pagsusugal; "Kolorete," na sumisipat sa sining at hirap na kinakaharap ng mga nag-aayos ng mga taong yumao; at "Hatol," na naglalarawan sa kalagayan ng mga bilanggong matagal nang naghihintay ng hatol sa kanilang mga kaso.
Layunin ng nasabing programa na magbigay ng bagong perspektiba sa mga manonood tungkol sa iba't ibang isyung panlipunan at bigyang-diin ang kahalagahan ng mga ito sa pagkamit ng mga Sustainable Development Goals (SDGs).
ποΈ John Llyod Agustin
π· Karl Raphael Alonzo