24/06/2021
GAWAIN #3
Bullying
Blog #3
Jonah Mae B. Dupan
Ang bullying ay nangangahulugang pangungutya sa kapwa tao dahil mayroon silang pagkakaiba na minsan ay hindi naiintindihan ng mga tao. Ang bullying rin ay isang uri ng pang-aapi na ginagamitan ng lakas at salita. Kadalasang nangyayari ito sa paaralan particular na kabataan ang biktima nito. Isa Ito sa isyu sa Pilipinas na kailangan ma*olusyunan. Mayroong tatlong uri ang bullying,Ito ay ang sosyal,pisikal at pasalitang bullying.
Ang sosyal na bullying ay isang uri ng pambubully kung saan sinisira ng bullies ang reputasyon at pakikitungo sa ibang tao ng kanilang binibiktima.
Ang pangalawa ay ang pisikal na bullying ito naman ay ang pisikal na pananakit at paninira ng kanilang gamit tulad ng panununtok,paninipa,pananampal,pangungurot at iba pa.
Ang huli ay ang pasalitang bullying Ito ay isang uri ng pambubully kung saan pananalita ang ginagamit ng bullies. Ito rin ay panunukso,panlalait,pang-aasar,paninigaw,pagmumura,pang-iinsulto,pagpapahiya sa harap ng maraming tao. Mayroon din na tinatawag na cyber bullying kung saan internet ang nagiging daan para makapang bully. Makikita natin ito at masasaksihan sa websites gaya ng facebook,twitter,at instagram. Makikita natin ang kanilang pambubully sa status at pagpopost ng larawan o litrato na ikasisira ng kanilang biktima.
Karaniwang panunukso ang ginagawa ng bullying lalo na sa paaralan. Makakita lamang sila ng kakaiba sa paningin nila ay agad nila itong tutuksuhin o di kaya’y napansin nila ang isang bata na nag-iisa ay agad itong lalapitan at saka tutuksuhin. Ang mga ganitong eksena ay kadalasang nagyayari kapag walang magawang hindi maganda ang ilang estudyante,minsan ay kapag sinita ng isang g**o ang kanilang kinagawa ay sasabihin lamang na nagbibiruan lang dahil sa takot ng biktima ay nakuha na lamang nya na sumangayon dito. Kahit anong masasakit na salita ang lumabas mula sa bibig ng bullies ay parang binalewala na lamang ito ng biktima dahil sa takot. Karaniwan ding biktima ng pambubully ay mga kabataan ng mahihina at alam nilang walang kalaban laban sa kanila.
Nagiging uso na rin sa ilang paaralan ang pambubully na gamit ang pananakit sa paraang pisikal. May iilang estudyante ang napapabalita dahil sa pambubully na binugbog ng kanyang kamag-aral. Gaya na lamang noong ako ay nasa elementarya at sekondarya na ako ay nakaranas ng panunukso ng mga kapwa ko estudyante. Masasabi ko na Ito ay sobrang naka epekto saking pagaaral dahil dito nawalan ako ng ganang puma*ok at naisipan kong tumigil na lamang. Masasabi ko na mahirap ang maging biktima ng bullying dahil hindi lang mental ang naaapektuhan bagkos ay lahat.
May mga sanhi at a epekto ang pambubully. Una ay ang kawalan ng interes sa pagaaral at hindi pagpa*ok sa school tulad nang aking naranasan. Pangalawa,pagkukunwaring may sakit para hindi makapa*ok sa school. Gusto laging nag-iisa. May pasa,gasgas o sugat na hindi masabi sa magulang ang kadahilanan. At ang maaaring mangyari sa isang biktima ay maaaring magpakamatay,masisiraan ng ulo o di kaya’y papatay.
Ayon sa batas, ang Anti-Bullying Act of 2013 na nilagdaan ng dating si President Noynoy Aquino, ang lahat ng paaralan sa elemntarya at sekondarya ay kinakailangang gumawa ang mga polisya laban sa bullying sa kanilang institusyon. Ang kopya ng mga polisya ay kailangang ibigay sa mga mag-aaral at magulang. Kabilang sa polisya ang pagbabawal sa bullying sa loob ng paraalan at sa lahat ng mga school-related activities. Ipinagbabawal din ang paggamit ng teknolohiya sa bullying.
Kapag ikaw at nakaranasan ng bullying ang mga sumusunod ang maari mong gawin; Magsumbong sa g**o. –kung sakaling makaranas ang isang tao ng pambubuli ay nararapat lamang na isuplong ito sa iyong g**o ng sa ganoon ay mapagsabihan ito at hindi maulit pa. Magsumbong sa magulang. – nararapat ding ipaalam ito sa iyong magulang para mapayuhan tayo ng magulang.
Ang ganitong sitwasyon ay hindi dapat isinasawalang bahala lamang dapat ay matuto din tayong umimik kung anong nangyayari sa atin para mapagsabihan ang mga nambubully at maitama ito. Ang masasabi ko lamang sa ganitong ka*o lalo na sa Pilipinas na palaging may nagaganap na pambubully ay itigil na ito. Wala namang mabuting maidudulot ito sa ating kapwa at lalo sa ating sarili bagkus ay makasasama pa ito. Dahil kapag ang isang bata ay nangbully automatically madadamay ang magulang nito na nagiging dahilan ng pagkakagulo ng bawat magulang dahil sa walang kwentang pambubully ng kanilang mga anak. Kung sa tingin ng iba magiging sikat sila sa ginagawa nila pwes nagkakamali sila dahil sa mata ng tao at lalong higit ng Diyos ay mali ito.